Kanduli para sa Pagkakapasa ng Bangsamoro Indigenous Peoples Act, Gagawin sa Upi, MDN

(Poster mula sa FB Page ni Atty. Mary Ann M. Arnado Deputy
Floor Leader- Member of Parliament)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Pebrero, 2024) —Inaprubahan ang Bangsamoro Indigenous Peoples Act (BIPA) of 2024 noong ika-10 ng Disyembre, 2024 ng Bangsamoro Parliament na naglalayong bigyang pagkilala, proteksyon, at kapangyarihan ang mga katutubo sa rehiyon ng Bangsamoro.

Bilang pasasalamat sa tagumpay na ito, ang tanggapan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado, kasama ang Mindanao Peoples Caucus (MPC), Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS), opisina ni MP Ramon S. Piang, Sr., MP Froilyn T. Mendoza, at ang Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs – BARMM Melanio T. Ulama ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa isang Kanduli Celebration sa darating na ika-8 ng Pebrero, sa Municipality of Upi Gymnasium, Maguindanao del Norte.

Isa sa mga tampok ng pagdiriwang na ito ay ang Ceremonial Turnover ng Bangsamoro Indigenous Peoples Act sa mga tradisyunal na lider na kumakatawan sa iba’t ibang tribo at pangkat-etniko sa BARMM. Pangungunahan ito ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” B. Ebrahim, kasama ang iba pang mahahalagang personalidad mula sa pamahalaan, international community, civil society organizations, at mga kinatawan mula sa lokal at pambansang ahensya ng gobyerno.

Ang Kanduli Celebration ay hindi lamang isang pagsasaya kundi isang pagpapakita ng pagkakaisa at pagpupugay sa yaman ng kultura at kasaysayan ng Bangsamoro Indigenous Peoples. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOST Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Hijab Day 2025
Next post Bagong MILG Provincial Director ng MDN, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin