MOST Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Hijab Day 2025

(Litrato Mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-4 Ng Pebrero, 2025) — Upang bigyang-diin at palawakin ang kamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab, idinaos ang pagdiriwang ng World Hijab Day ng Pamahalaang Bangsamoro noong ika-3 ng Pebrero sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center sa Lungsod ng Cotabato na aktibong nilahukan ng Ministry of Science and Technology (MOST).

Pinangunahan ng Bangsamoro Women’s Commission sa BARMM, ang World Hijab Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 Ng Pebrero upang hikayatin ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang relihiyon at lahi na magsuot ng hijab sa loob ng isang araw. Layunin nitong itaguyod ang pagpaparaya sa pananampalataya, palawakin ang pang-unawa, at ipalaganap ang kahalagahan at benepisyo ng pagsusuot ng hijab, habang nilalabanan ang diskriminasyon at maling pananaw ukol dito.

Ipinagdiriwang din ng World Hijab Day ang milyun-milyong kababaihang Muslim na nagsusuot ng hijab bilang simbolo ng pagiging mahinhin at simple, alinsunod sa aral ng Islam.

Isa rin itong pagkakataon upang turuan at hikayatin ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang kultura na maranasan ang pagsusuot ng hijab. Bukod dito, pinalalakas ng selebrasyon ang diwa ng pagkakaisa, pagtanggap sa iba’t ibang kultura, at pandaigdigang pakikiisa.

Dumalo rito ang iba’t ibang ministeryo, tanggapan, institusyong pang-akademiko, at iba pang sektor mula sa rehiyon sa pagdiriwqng. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Konsultasyon sa Pagsasapinal ng Internally Displaced Person’s IRR, Pinangunahan ng MSSD
Next post Kanduli para sa Pagkakapasa ng Bangsamoro Indigenous Peoples Act, Gagawin sa Upi, MDN