MHSD AT MP Parcasio Isinagawa ang Turn-over ng Training Center sa Malita, Davao Occidental

(Litrato Mula sa MHSD)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Enero, 2025) — Matagumpay na naisagawa ang turnover ceremony ng isang multi-purpose one-storey Human Development Training Center noong ika-25 ng Enero sa Sitio Balas, Barangay Mana, Malita, Davao Occidental.

Ang proyekto, ay nagkakahalaga ng PhP 7,681,840.44 na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2023 ni Member of the Parliament Atty. Randolph C. Parcasio, katuwang ang Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) at J-1 Builders Corporation.

Sa mensahe ng pasasalamat ni Ustadh Mohsin Sapac, benepisyaryo at tagapag-alaga ng naturang training center, ibinahagi niya ang kanyang kagalakan. “Ito na ang pinakamalaking biyaya na sagot sa aming panalangin dito sa komunidad; ang aming kaligayahan ay abot sa aras at tanging hiling namin ay magkaroon na rin ng housing project dito sa aming lugar,” wika nito.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Director General Esmael W. Ebrahim ng MHSD. Ayon sa kanya, “Hindi nawawala ang ating tulong sa Bangsamoro mapa-loob o labas man ng BARMM at ito ay testamento ng ating pinagsama-samang efforts upang matapos ang proyekto at maiangat ang level ng pamumuhay ng mga tao sa komunidad.”

Dagdag pa niya, ang proyekto ay hindi lamang pisikal na imprastraktura, kundi isang simbolo ng pag-asa, oportunidad, at pagkakaisa.

Binigyang-diin naman ni MP Parcasio ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtatagumpay ng proyekto. “Pinili natin ang MHSD sapagkat malinis, maayos, at sanay at magaling magtrabaho at malaki ang tiwala natin sa pamamahala ni Minister Atty. Hamid Aminoddin D. Barra,” ani niya. Anya, patuloy ang kanyang opisina sa pagsisikap na magdulot ng kabutihan sa mga komunidad.

Samantala, sa mensaheng ibinahagi ni Dr. Marilou “Taj” Elegio Borra, Chief of Staff at Provincial Human Resource Management Officer, bilang kinatawan ni Hon. Governor Atty. Franklin P. Bautista, kanyang sinabi na ang tagumpay ng proyekto ay simbolo ng pagkakaisa at nawa’y magpatuloy ang kagandahang dulot nito sa komunidad.

Sa acceptance message ni Hon. Barangay Chairperson Joseph J. Contigo, ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa proyekto. “Napakaligaya namin at buong puso naming tinatanggap at pananatilihin ang training center na ito,” wika niya.

Ang turnover ceremony ay kinumpleto ng ribbon cutting na pinangunahan ng mga opisyal ng MHSD at lokal na pamahalaan, hudyat na opisyal nang magagamit ng komunidad ang training center. (Hasna U . Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 300 IDPs sa Marawi City, Tumanggap ng Ayuda mula sa MSSD
Next post BMN, Matagumpay na Naisagawa ang Voters’ Education para sa BIAF-MILF North Western Mindanao Front ng Camp Bilal