Pamilyang Apektado ng Baha sa Tawi-Tawi, Tumanggap ng Ayuda mula sa Project TABANG

(Litrato Mula sa Project TABANG)

COTABATO CITY (Ika-6 ng Pebrero, 2025) — Mahigit 100 pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi, ang nakatanggap ng bigas at food packages mula sa Ayuda Alay sa Bangsamoro (ALAB) program ng Project TABANG noong ika-4 ng Pebrero.

Pinangunahan ng Provincial Coordinating Team, ng grupo ni Hamka Malabong, ang pamamahagi ng ayuda sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Bongao, Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Pahut, at Marine Battalion Landing Team – 4 (MBLT-1).

Ang Barangay Pahut ay isa sa pinakamatandang komunidad sa Bayan ng Bongao at pangunahing tinitirhan ng mga miyembro ng Sama Tribe. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng Bud Bongao.

Patuloy ang Project TABANG sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang pamilya sa Bangsamoro, bilang bahagi ng adhikain nitong mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MTIT, MAFAR Sinuportahan ang Programa sa Halal Industry
Next post Chief Minister Ebrahim, Dumalo sa Senate Committee Hearing on the Inclusion of the province of Sulu sa BARMM