
Chief Minister Ebrahim, Dumalo sa Senate Committee Hearing on the Inclusion of the province of Sulu sa BARMM

COTABATO CITY (Ika-6 ng Pebrero, 2025) — Dumalo sa pagdinig sa Senate Committee Hearing on the Inclusion of the province of Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na pinangunahan nina Senator Joseph Victor “JV” Ejercito at Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri sina Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, kasama si Minister Mohagher Iqbal at Interior and Local Government Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba noong Miyerkules.
Nakatuon ang pagdinig sa muling pagsasama sa lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Regional Government at deliberasyon ng mga iminungkahing hakbang na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11054, o kilala bilang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Senator Ejercito, ang pangangailangan ng Kongreso na magpatibay ng batas na tumutugon sa mga mahahalagang isyu sa rehiyon, tulad ng Senate Bill No. (SBN) 2915, na naglalayong isama ang lalawigan ng Sulu sa BARMM, at SBN 2820, na naglalayong amyendahan ang mga kwalipikasyon para sa Shari’ah Judges.
Sa pagpupulong, iminungkahi ni Chief Minister Ebrahim ang pagsasagawa ng panibagong plebisito sa Sulu upang muling matanong ang mga residente ng lalawigan. Nais naman ni Governor Tan na isama naring tanungin ang lahat ng probinsyang sakop ng BARMM.
Dumalo rin sa pagdinig sina Commission on Elections (COMELEC) Deputy Executive Director for Operations Atty. Rafael Olaño, Mga Miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, MP Engr. Aida Silongan, MP Baileng Mantawil, MP Mary Ann Arnado, MP Mohammad Kelie Antao, Bangsamoro Youth Commissioner Nasserudin Dunding, at Sulu Provincial Governor Abdusakur Tan, kasama ang mga alkalde mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan ng Sulu. (Tu Alid Alfonso, BMN|BangsamoroToday)