MDN Gob. Macacua, Pinangunahan ang Pagtatayo ng Kauna-unahang Multi-purpose Gymnasium sa Upi

(Litrato mula Provincial Government of Maguindanao del Norte FB Page)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Pebrero, 2025) — Pinangunahan ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng isang multi-purpose gymnasium sa bayan ng Upi.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Gobernador Macacua ang kahalagahan ng naturang pasilidad sa komunidad. Ayon pa sa kanya, isa itong mahalagang asset na nagbubuklod sa mga tao at nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan.

Ang proyekto ay isang hakbang patungo sa mas matatag at mas inklusibong probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng espasyong maaaring pagdausan ng iba’t ibang aktibidad.

Ang proyekto ay ipinatutupad sa pangunguna ng Provincial Engineering Office (PEO) na ginanap ang seremonya ng konstruksyon noong ika-4 ng Pebrero.

Samantala, ipinahayag ni Upi Mayor Ma. Rona Cristina Flores ang kanyang pasasalamat at suporta kay Gobernador Macacua. Sinabi nito na ang gymnasium ay magpapalakas sa pagkakaisa ng kanilang komunidad at magiging mahalagang bahagi ng kanilang bayan.

Ang groundbreaking ceremony na ito ay ang unang hakbang sa pagpapatayo ng labindalawang multi-purpose gymnasium na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan. Nauna nang isinagawa noong ika-7 ng Enero ang mass signing ng kontrata para sa pagtatayo ng naturang mga pasilidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Chief Minister Ebrahim, Dumalo sa Senate Committee Hearing on the Inclusion of the province of Sulu sa BARMM
Next post Persons Deprived of Liberty sa Malabang District Jail, Tumanggap ng Serbiyo mula sa MSSD