
50 Trainees ng Cotabato City Manpower Development Center, Pinarangalan sa Graduation Ceremony

COTABATO CITY (Ika-29 ng Enero,2025)—Isinagawa ng Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) ang isang Graduation Ceremony at pamamahagi ng Training Support Fund (TSF) sa limampung (50) trainees na matagumpay na nakapagtapos sa Trainers Methodology Level 1 at Driving NC II na ginanap sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City kahapon ika-28 ng Enero.
Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng mga trainees sa libreng pagsasanay na kanilang natanggap, kasama ang pinansyal na suporta mula sa TSF. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng CCMDC na bigyang-lakas ang mga indibidwal sa pamamagitan ng kalidad na pagsasanay at oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.
Pinangunahan ni CCMDC Center Administrator Engr. Moheden R. Saribo ang pamamahagi ng TSF, katuwang ang mga kasapi ng finance unit.
Patuloy ang CCMDC sa pagbibigay ng de-kalidad na teknikal at bokasyonal na edukasyon upang makatulong na mas maraming skilled workers sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)