MBHTE Inilunsad ang Malawakang Proyekto para sa Pagsuporta sa Edukasyon sa Tawi-Tawi

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-14 ng Enero, 2025) – Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ang isang serye ng Ground Breaking Ceremonies sa mga strategic na lokasyon sa Tawi-Tawi noong Lunes, ika-13 ng Enero, bilang bahagi ng kanilang hakbang upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinangunahan ni DGME Prof. Tahir G. Nalg mula sa Madaris Education, DGBE Abdullah P. Salik Jr. ng Basic Education at ng iba pang mga opisyal ng MBHTE ang pagsisimula ng mga proyekto sa iba’t ibang lugar sa Tawi-Tawi, kabilang na ang Lakit-Lakit, Bongao para sa Public Madrasah Project. Ang proyekto, na nagkakahalaga ng PhP10,918,314.00 ay bahagi ng mga inisyatiba sa ilalim ng GAAB 2024 upang palakasin ang edukasyong madaris sa rehiyon.

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

β€œIto kasi ay first time sa histoy ng Pilipinad to na walang public Madrasah sa Pilipinas at alam po natin yan. Pero ngayon dahil sa pursigido ng ating mahal na Minister na kailangan magkaroon tayo ng public Madrasah, ito po nangyayari na Alhamdulillah,” ayon kay DGME Nalg.

Bukod dito, isinagawa rin ang ground breaking para sa Madaris Educational Learning Centre sa Barangay Magsaggaw, Balimbing, Panglima Sugala, na may kabuuang pondo na PhP48.500,000.00 mula sa SDF 2022. Ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay daan sa mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataang Muslim sa lugar.

Samantala, sa Paniongan, Bongao, ay isinagawa din ang seremonya para sa pagtatayo ng Provincial Training Center Computer Laboratory na magkakahalaga nt PhP3,538,260.00 sa ilalim ng GAAB 2024 bilang bahagi ng layunin ng MBHTE na magbigay ng mga pasilidad na makikinabang ang mga mag-aaral at guro sa rehiyon.

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Kabilang dito ang Provincial Training Center Dormitory na nagkakahalaga ng PhP20,384,000.00 na ang pondo ay mula sa SDF 2023. Ang proyektong ito ay pinangangasiwaan ng Technical Education and Skills Development sa pamumuno ni Bangsamoro Director General Engr. Ruby A. Andong.

Ang mga proyektong ito ay kinilala bilang mahalaga sa patuloy na pagpapaunlad ng edukasyon at pagsasanay sa BARMM, na nagsisilbing pag-asa para sa mga kabataan ng rehiyon na makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang magtagumpay sa hinaharap.

Ang mga proyekto ay isinagawa kasabay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan, na dinaluhan ni Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Ismail Sali, na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga hakbang ng MBHTE sa pagpapabuti ng edukasyon sa buong BARMM.

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Humiling din si Gov. Mang Sali ng karagdagang road concreting sa Bangsamoro government para sa lugar na nilagyan ng proyekto upang maging maayos ang pagpasok ng mga mag-aaral at mga magtuturo dito. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post PWDs sa Cotabato City, Tumanggap ng Tulong-Pinansyal mula sa MSSD
Next post UBJP Maguindanao Candidates for the May 2025 Elections take an oath to Party President Ebrahim