Bangsamoro Multimedia Network, Itinatampok ang mga nagawa sa Voters’ Education Campaign para sa BIAF-MILF
COTABATO CITY (Ika- 4 ng Enero, 2025) — Inanunsyo ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. ang paglalabas ng pangalawang ulat nito sa ilalim ng Activate Bangsamoro Phase 4 (AB4) Project na nagdedetalye ng mga nagawang aktibidad sa pangalawang pansamantalang ulat nito na isinagawa mula Setyembre hanggang Disyembre 5, 2024, na idinisenyo upang bigyan ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa mga proseso ng pagboto sa May 2025 na halalan.
Ang nagawa ng BMN sa ngayon ay ang Voter’s Education Training for Trainers Activity session para sa 33 BIAF na ginanap noong Setyembre 20-21, 2024 sa BLMI sa Sultan Kudarat, na naglalayong bigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kasangkapan upang higit pang turuan ang kanilang mga komunidad. Ang aktibidad ay dinaluhan ni MILF Peace Implementing Chair Mohagher Iqbal na nagbigay ng update tungkol sa Bangsamoro Peace Process.
Idinagdag nito na mula sa anim na target na kampo ng MILF sa Mindanao, ang BMN ay nagsagawa ng tatlong Community Roll-Out sa Camp Badre noong Setyembre 28, 2024 sa Guindulungan, Maguindanao del Sur; Camp Omar noong Oktubre 31, 2024 sa Barangay Tapikan, Shariff Aguak, Maguindnao del Sur; at Camp Rajah Muda noong Disyembre 5, 2024 na ginanap sa Barangay Rajah Muda, Ligawasan, Special Geographic Area (SGA).
Sinabi ng Executive Director ng BMN na si Faydiyah S. Akmad na hiniling ng pamunuan ng MILF sa BMN na magkaroon ng hindi bababa sa 1000 kalahok sa bawat kampo upang ipaalam sa mga BIAF-MILF kasama ang kanilang pamilya ang laman ng Bangsamoro Electoral Code, ang proseso ng pagboto sa pamamagitan ng Comelec demonstration ng Automated Counting Machine bilang paghahanda sa Mayo 12 , 2025 na halalan.
Nagawa na anya ng BMN ang higit pa sa mga inisyal na projection na bilang ng mga kalahok ay lampas na ngayon sa inaasahan, umabot na ng 5,646 na indibidwal ang bilang sa pinagsamang tatlong kampo ng MILF, ito ay ang Camp Badre, Camp Omar at Camp Rajah Muda, wika pa ni BMN Executive Director Akmad.
Upang masuri ang pag-unlad nang epektibo, ang mga pre-at post-test ay pinangangasiwaan ng BMN para sa 100 miyembro ng BIAF na sumailalim sa pagsusulit sa bawat kampo. Ito ay upang sukatin ang kaalaman tungkol sa Bangsamoro Codes at paparating na halalan na naka-takda sa Mayo ngayong taon.
Nag-organisa din ang BMN ng advanced social media training session noong Disyembre 3-4, 2024 na isinagawa sa Paragon Hotel and Restaurant sa Cotabato City na naglalayong pahusayin ang mga digital outreach na kakayahan sa mga kasosyo sa pagpapatupad ng Civil Society Organization AB4 na may kaugnayan sa edukasyon ng mga botante. Ang aktibidad ay nilahukan ng UNYPAD, UVPN, TLWOI, MDFI, MOSEP, TKI, BMN, at MBHTE-Education Facility Section.
Ang isa pang malaking tagumpay ay kinabibilangan ng pag-imprenta ng IEC Voters’ Education Materials na dinisenyo ng MOSEP na may BIO-BARMM na ipinamahagi sa panahon ng pagsasanay at community roll-out; may kabuuang 808 piraso, katumbas ng 208 set, ang naipamahagi na sa iba’t ibang lokasyon kabilang ang mga kampo ng MILF at BMN volunteers.
Noong Oktubre 29, 2024, inilunsad ng BMN ang Voters’ Education Program nito na dinaluhan ni Noraida S. Chio, Senior Program Officer ng TAF at BIO-BARMM Executive Director na si Andrew Alonto gayundin ng iba pang mga kilalang bisita. Ang online na programa ay live sa BMN facebook page ay ipinapalabas tuwing Martes sa pamamagitan din ng DXJC 92.1 Voice FM Cotabato at Bangsamoro Communication Network (BCN) radio frequency mula 10 AM hanggang 11 AM.
Ang voters’ education program ay naglalayon na ihanda ang mga miyembro ng komunidad para sa paparating na Pambansa, Lokal, at Bangsamoro Parliamentary Elections sa 2025 bilang bahagi ng The Asia Foundation’s Activate Bangsamoro Phase 4 (AB4) Project na sinusuportahan ng UK Government at British Embassy Manila sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Parliament, Bangsamoro Information Office (BIO-BARMM), at Commission on Elections (COMELEC). (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)