MP Antao, Nagbigay ng Ayuda sa Malidegao Social Welfare Committee

(Litrato Mula kay Member of Parliament Mohammad
Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Nobyembre, 2024) — Isang matagumpay na General Assembly ng mga kababaihang miyembro ng Social Welfare Committee (SWC) ng Malidegao Municipality sa Brgy. Batulawan ang binigyan ni MP Mohammad Kelie U. Antao ng ayuda bilang pasasalamat at suporta sa kanilang partisipasyon at pagpapatuloy ng kanilang mga gawain.

Sa pagtitipon, pinangunahan ng SWC ang isang Nutrition Advocacy Program na may layuning itaguyod ang kamalayan sa nutrisyon at kalusugan sa kanilang komunidad na isinagawa noong ika-10 ng Nobyembre.

Dumalo si MP Antao bilang panauhin sa okasyon, kung saan ipinahayag niya ang kanyang buong suporta para sa mga proyekto at programa ng SWC. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa kasalukuyang pamahalaan ng Bangsamoro, partikular sa pagsulong ng kalusugan at nutrisyon sa pamayanan.

Pinuri ni MP Antao, ang ganitong mga inisyatiba na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at kapayapaan sa mga komunidad ng North Cotabato.

Ang pagtitipon ay nagsilbing isang makabuluhang pagkakataon para sa mga kababaihan ng Malidegao upang magkasama-sama at magpalitan ng kaalaman at karanasan. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Mahigit 400 Pasyente sa South Upi, Benipesaryo ng Medical Outreach Program ni MP Atty. Arnado
Next post MSU-Sulu, May Bagong Training Center na Magbibigay Benepisyo sa mga Mag-aaral