
Mahigit 400 Pasyente sa South Upi, Benipesaryo ng Medical Outreach Program ni MP Atty. Arnado

COTABATO CITY (Ika-11 ng Nobyembre, 2024) — Binisita ng grupo ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado noong ika-6 ng Nobyembre ang South Upi Municipal Hospital at taos pusong nagpasalamat si Dr. Ester S. Petilo,MD,FPOGS, Chief of South Upi Municipal Hospital.
“Maraming salamat, MP Atty. Mary Ann Arnado!”, pasasalamat nito.
Ang nasabing pagbisita ay isinagawa upang kumustahin ang estado ng Medical Outreach Program (MOP) na inilunsad ng Opisina ni MP Arnado noong Agosto, katuwang ang Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ng lokal na ospital sa South Upi.
Sa pamamagitan ng MOP, nakapagbigay ang South Upi Municipal Hospital ng mahalagang serbisyong medikal sa mahigit 400 residente.
Ang MOP ay isa sa mga pangunahing programa ng gobyerno ng BARMM sa pamumuno ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na naglalayong matiyak ang abot-kamay at napapanahong serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan sa rehiyon ng BARMM. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)