TABANG Nagsagawa ng Turnover ng 2,000 Sako ng Bigas at 2,000 Food Packs sa Talayan, MDS

(Litrato mula sa Project TABNG OCM-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-10 ng Oktubre, 2024) — Sa pangunguna ng Project TABANG’s Rapid Reaction Team (RRT), naipamahagi noong ika-9 ng Oktubre, ang 2,000 sako ng bigas (25 kg bawat isa) at 2,000 food packs sa Lokal na Pamahalaan ng Talayan, Maguindanao del Sur. Ang mga ito ay ipapamahagi sa mga residente ng bayan na naapektuhan ng pagbaha at malakas na ulan.

Ang bayan ng Talayan ay kamakailan lamang tinamaan ng matinding pag-ulan na nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig at pagbaha sa iba’t ibang lugar. Bilang tugon, mabilis na kumilos ang RRT upang maghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya at komunidad.

Bukod sa distribusyon ng mga relief goods, dagdag saulat ng Project TABANG, nagsagawa rin ang RRT ng mga pagsusuri at pag-evaluate sa mga lugar at pamilya na lubhang naapektuhan ng kalamidad. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang RRT sa lokal na pamahalaan upang masiguro ang agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasalanta. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Minister Iqbal, Nag-turnover ng Sasakyan sa Directorate General for Higher Education para Palakasin ang Transportasyon ng mga Kawani
Next post Palestinian envoy sa Ankara, sinabi na sinisira ng Israel ang 2-state solution