MBHTE Minister Iqbal, Pinangunahan ang Official Launching ng Pilot Public Madrasah sa BARMM

Opening ceremony at cutting of ribbon ng 1st Public Madrasah sa BARMM na pinangunahan ni education Minister Mohagher Iqbal. (Litaro ng BMN/BansamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Hulyo, 2024) — Pinangunahan ni Minister   Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) BARMM ang official launching ng Pilot Public Madrasah na isinagawa kahapon araw ng Biyernes, ika-26 ng Hulyo na ginanap sa dito sa lungsod.

Ang Madrasah ay ganap na pinondohan ng Bangsamoro Government at magbibigay ng Structured Balanced Curriculum na pinagsama ang Tahderiyyah Curriculum para sa Kinder, Islamic Studies, Arabic Language (ISAL) Curriculum, DepEd National Curriculum at K to 12 kasama ang Islamic subjects na ituturo tulad ng Qur’an, Seerah (life of the Prophet), Hadith (Prophetic narrations), Aqeedah (Islamic creed), Fiqh (Islamic jurisprudence), at Arabic Language.

“Ang isang bagay na napakahirap ay kung paano mag-umpisa, yan ang isang bagay na pinakamahirap ay kung paano mo umpisahan ang isang programa o plano or project,” ani ni Iqbal.

Dagdag nito na kung may magandang layunin sa pagbuo ng proyekto ay tiyak na magbubunga ito ng mabuti, “Basta maganda ang pakay mo maganda ang naisip mo kahit papaano ay may maaabutan ka.”

Tinanggap naman ni  Monawara G. Salik, MAEd ang Teacher -in- Charge ng Pilot Madrasah ang hamon sa pag-uumpisa ng public madrasah sa Bangsamoro region, “Gusto ko pong maging bahagi ng struggle o jihad na sinimulan ng ating mga butihin leaders na ngayon ay kasalukuyang nakaupo at namamahala sa Bangsamoro.”

Sa ngayon ay may mahigit 150 ang bilang ng mga official enrolled ng mga mag-aaral sa paaralan ng Pilot Public Madrasah.

Layunin nito na pagyamanin ang mga estudyanteng mahusay na handang mapabuti para sa hinaharap at paunlarin ang mga potensyal, kapasidad, pangangailangan, at kagustuhan ng mga mag-aaral ng Bangsamoro, na may moralidad.

Kabilang sa mga dumalo sa programa sina Tahir G. Nalg, MAIS, Director General ng Madaris Education, MP Ebrahim Ali, School Division Superintendent ng Cotabato City Concepcion F. Balawag, PhD, CESO V, Teacher -in- Charge ng Pilot Madrasah Monawara G. Salik, MAEd at Abdullah Andang bilang kinatawan ni Mayor “Bruce” Matabalao, Director Yusoph Thong Amino, Director Daud Kadon, teacher, asatidz, magulang, at mga estudyante upang ipakita ang kanilang suporta para sa batang Bangsamoro na mag-aaral. (Norhana E. Abdulnasser, Normina M. Kendayo, Arfa A. Esmail, Rahima A. Faisal, Jowairia Abas, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Paglunsad ng Pilot Public Madrasah sa BARMM, Pag-abot sa Bagong Antas ng Edukasyon
Next post UBJP gaganapin ang Sulu Provincial Assembly sa Jolo, Sulu