UBJP gaganapin ang Sulu Provincial Assembly sa Jolo, Sulu

(Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Hulyo, 2024) — Handa na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa gaganaping Sulu Provincial Assembly bukas, araw ng Linggo, July 28, sa Notre Dame Jolo College (NDJC), Jolo, Sulu simula 8:00 ng umaga hanggang 11:30 ng tanghali.

Ayon sa pahayag ng UBJP, patuloy ang mga paghahanda ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) political party sa gagawing programa sa pangunguna ni Sulu Provincial Executive Officer Hji. Cezar Alil at sa tulong ng opisina ni UBJP President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim sa pamamagitan ng tanggapan ng Secretary to the Party President, Vice President for BaSulTa MP Matarul Estino at Vice President for Zamboanga Peninsula Malik Caril.

Bilang bahagi ng paghahanda ay nakipagpulong ang UBJP sa Provincial Local Government ng Sulu sa pamamagitan ni Provincial Administrator Erwin Tan, kabilang Dito ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang authorities para sa koordinasyon ng gaganaping aktibidad.

Nag-imbita din ang partido sa kanilang supporters sa Sulu na lumahok sa provincial assembly, “Inaaanyayahan po namin ang ating mga kababayang Bangsamoro mula iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Sulu na makiisa sa isasagawang Provincial Assembly bukas, July 28, 2024 ng United Bangsamoro Justice Party.”

“Sama-sama po tayo tungo sa mapayapa at inklusibong adhikain para sa Bangsamoro. See you there!”, dadag pa sa kanilang imbitasyon.

Magugunitang nitong mga nakalipas na linggo ay nagsagawa din ng sunod-sunod na asembleya ang UBJP sa mainland at Island provinces ng Bangsamoro region at pagsumite ng mga papeles sa Commission on Elections (Comelec) BARMM na s’yang kinakailangang dokumento sa paparating na 2025 elections. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE Minister Iqbal, Pinangunahan ang Official Launching ng Pilot Public Madrasah sa BARMM
Next post 33rd Infantry Makabayan Battalion, LGUs ng Maguindanao del Sur sanib pwersa sa pagbibigay ng tulong sa bayan ng Mamasapano