MP Arnado, MILG-BARMM namigay ng ayuda sa “SGA flood, drought victims”

(Litrato mula sa Facebook page ni MP Atty. Mary Ann Arnado)

COTABATO CITY (July July 25, 2024 — Ang tanggapan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado, sa pakikipagtulungan ng MILG-BARMM, ay isinagawa ang pamimigay ng ayuda sa apektadong pamilya ng nagdaang kalamidad sa Special Geographic Area ng BARMM.
 
Ang tulong ayon pa kay MP Arnado ay pinangasiwaan ng BARMM-READi, isang flagship initiative sa loob ng pamumuno ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, ay ipinamahagi sa non-Muslim o settler sa Brgy. Gli-Gli, Ligawasan at Brgy. Fort Pikit, Malidagao, pawang nasa loob ng SGA-BARMM na malubhang tinamaan ng baha at tagtuyot.

Dagdag sa ulat, ang mga benepisyaryo ay mula sa Pikit Parish Gymnasium, at Roman Catholic Chapel sa Brgy. Fort Pikit.

Ang tanggapan ni MP Arnado, kasama ang Pamahalaan ng BARMM, ay nananatiling matatag sa pagsisikap nitong tugunan ang mga kritikal na pangangailangan ng mga apektadong lugar dulot ng mga kalamidad. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNFPA at MOSEP, Naghatid ng Dignity Kit sa mga Biktima ng Baha-Landslide sa Maguindanao del Norte at Lanao del Sur
Next post MIPA-BARMM Tumulong sa Indigenous Communities ng Balabagan, Lanao del Sur na Naapektuhan ng Pagbaha