MIPA-BARMM Tumulong sa Indigenous Communities ng Balabagan, Lanao del Sur na Naapektuhan ng Pagbaha
COTABATO CITY (Ika-25 ng Hulyo, 2024) – Isinagawa ang isang Information and Education Campaign (IEC) session ukol sa kahandaan sa sakuna at tulong sa mga Indigenous Communities sa Balabagan, Lanao del Sur na naapektuhan ng pagbaha. Nagbigay ng kanyang kaalaman sa mga kalahok si Caroline Love Magbanua, pinuno ng Cultural Affairs Section, na isinagawa nitong Miyerkules, ika-25 ng Hulyo.
Kabilang sa programa ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA) ang pamimigay ng relief assistance, na may kabuuang 206 na pakete ng bigas (tig-5 kilo bawat isa) kasama ang mga delata at noodles ang ipinamahagi sa mga naapektuhan ng kamakailang pagbaha sa munisipalidad ng Balabagan, Lanao del Sur.
Dumalo sa aktibidad sina Michael M. Garrigues, Direktor ng Bureau on Ancestral Domain, Rosanne M. Imperial, Programs and Operations Chief, at Benito R. Algan Jr., pinuno ng Customary Law and Traditional Justice System Section.
Ang mga tribo na apektadong komunidad ang Teduray, Sama, Higaonon, Subanen, Ati, Mandaya, B’laan, Manobo, Bagobo, at Ibanag. Nagpasalamat ang mga benepisyaryo ng programa sa MIPA sa kanilang mabilis na pagtugon sa kalamidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)