MAFAR Nagpatayo ng Solar-Powered Irrigation System sa Barangay Madaya, Lanao del Sur
COTABATO CITY (Ika-7 ng Hulyo, 2024) — Nagpatayo ng solar-powered irrigation system mula sa Special Development Fund ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) sa Barangay Madaya, Lanao del Sur. Ang seremonya ay Pinangunahan ni Engr. Moh’d Azhary Azis Tabao, Municipal Management Officer (MMO) ng Molundo, Hon. Mayor Nihari M. Panandigan, at Special Focal Person ng MAFAR Lanao del Sur, Mubarak Ibrahim, noong ika-28 ng Hunyo.
Ang solar-powered irrigation system ay magpapababa ng mga gastusin sa operasyon na pinagmumulan ng enerhiya sa pamamagitan ng paggamit ng solar power upang mag distribute ng tubig para sa pangangailangan ng agrikultura.
“I am thankful to the MAFAR for allowing us to have the solar power irrigation system built in our area because this will benefit the whole community,” pasasalamat ni Mayor Panandigan sa MAFAR.
“Lubos kaming nagpapasalamat dahil ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa aming lugar at sana pangalagaan ng aming mga magsasaka ang proyektong ito dahil malaking tulong ito,” dagdag pa ni Mayor Panandigan.
Ayon sa GFS Construction, ang SPIS ay binuo ng isang pump room, control room, main tanks, sub tank, at solar panel na napapaligiran ng bakod.
Ang proyekto ng solar-powered irrigation system ay nagdudulot ng malaking positibong epekto sa komunidad ng Barangay Madaya at sa buong bayan ng Molundo. Ang pangunahing benepisyo nito ay ang pagtaas ng ani at kita ng mga magsasaka dahil sa mas pinabuting sistema ng tubig. Magreresulta rin ito sa mas mababang gastusin sa enerhiya.
Ayon pa sa MAFAR, makakatulong din ang proyekto na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima sa agrikultura dahil hindi na kailangan umasa sa mga fossil fuel na nagdudulot ng polusyon. Ang mas mabuting sistema ng patubig ay magbibigay ng sapat na suplay, lalo na sa panahon ng tag-init, kung saan nagiging limitado ang tubig. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)