MSSD Nagsagawa ng Workshop para sa BSPP 2024-2028

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsagawa ng dalawang araw ng Workshop para sa formulation of the Bangsamoro Social Protection Plan British Standard Parallel Pipe (BSPP) 2024-2028, na ginanap sa Mall of Alnor, Cotabato City nitong ika 3-4 ng Hulyo.

Ang BSPP ay isang Medium-Term Strategic Framework, na naglalayong palakasin ang social protection system ng rehiyon hangarin din nitong masolusyonan ang unique social cultural economic, and environmental context ng BARMM.

Dinaluhan ng iba’t ibang partisipante mula sa tanggapan ng BARMM Government ang nasabing workshop at aktibong nakibahagi ang mga partisipante sa mga aktibidad katulad ng pagsasagawa sa makabagong solusyon, makisali sa mga talakayan ng grupo, pagbabahagi ng pinakamahusay na kasanayan at makipag tulungan sa pagbuo ng estratehiya upang makasama sa Final BSPP Framework.

Ayon kay MSSD Director General, Mohammad Mukhadtir A. Estrella, na ang pagbuo ng BSPP 2024-2028 isang mahalagang hakbang sa social protection sa BARMM, “The formulation of the BSPP 2024-2028 is a critical step towards ensuring that the social protection mechanisms in BARMM are not only effective but also culturally sensitive and responsive to the specific challenges faced by our communities.”

Dagdag pa nito, “There are historical injustices committed against the People, and the establishment of the Bangsamoro Government is a step Forward For us to heal”.

Ang BSPP ay sinuportahan ng UNICEF at Australian Government, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng suporta at pagtutulungan sa pagkamit ng mga layunin nito, sa pamamagitan ng programa ay inaasahan na pagsama-samahin ng MSSD ang mga pananaw at rekomendasyon na nakuha sa Workshop upang mabuo ang BSPP para sa taon ng 2024 hanggang 2028. (Arfa A. Esmail, MSU-Maguindanao OJT AB-IS student BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILG Tawi-Tawi tinalakay ang mahahalagang Isyu sa Operational Issues sa Team Conference
Next post MAFAR Nagpatayo ng Solar-Powered Irrigation System sa Barangay Madaya, Lanao del Sur