Sports Festival sa Cotabato City, Pinalakas ang Katangian ng mga PWD sa Pamamagitan ng Palakasan
COTABATO CITY (Ika-26 ng Hunyo, 2024) — Ang Center for Persons with Disabilities (CPWD) sa ilalim ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay idinaos ang isang espesyal na sports festival, para itaguyod ang inklusibo at pagbibigay halaga sa Persons with Disabilities (PWDs) sa komunidad na ginanaparaw ng Martes, ika-18 ng Hunyo at nagtapos noong araw ng Biyernes, ika-21 ng Hunyo, 2024 sa Lungsod.
Maliban sa mga parangal tulad ng medalya, sertipiko, at tropeo ay binigyang-diin din ng isang opisyal na si Bryan Abdullah, CPWD Center Head, na ang potensyal ng mga PWD na makipag-kompetensya sa internasyunal kung saan nagbigay ito ng hamon at inspirasyon sa kanila na maghangad ng mas mataas na tagumpay sa larangan ng palakasan.
“The main goal of this activity is to provide an opportunity for the PWD trainees to display their sports knowledge and skills, and recognize their full potential. This may provide a PWD athlete an opportunity to compete, not only in thePhilippines, but internationally,” ayon kay Abdullah.
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang nagpapakita ng kakayahan ng mga PWD sa iba’t ibang sports activities kundi nagpalakas din ito ng kanilang kumpiyansa at pag-alis ng stigma sa kapansanan. Sa pamamagitan ng iba’t ibang larangan ng paligsahan, naipamalas din ng mga PWD ang kani-kanilang pisikal na abilidad at kasanayan sa sports, layunin din nito na magpalawak ng kamalayan ng komunidad sa kontribusyon ng mga ito sa lipunan. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)