Bangsamoro Parliament Tinalakay ang Panukalang BTA Bill No. 39 o Pagtatag ng Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute

(Litrato mula sa LTAIS-Public Information and Media Relations Division, BTA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Hunyo, 2024) — Ang Bangsamoro Parliament ay sinimulan ang interpellation sa Parliament Bill no. 39 na naglalayong magtatag ng Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute (BAFTI). Sa naging deliberasyon, iilang alalahanin ang mga lumabas kabilang na dito ang pagkakatugma ng mga mandato ng BAFTI at Bangsamoro Research and Development Program (BRDP) na naging inisyatiba sa pananaliksik.

Binigyan-diin naman ni Chairperson Matarul M. Estino ng Committee on Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ang kahalagahan sa pagpapalakas ng agrikultura at pangingisda bilang mga estratehiya upang malabanan ang kahirapan at masigurado ang kalinisan ng pagkain sa rehiyon.

Bukod dito pinagtibay ng Bangsamoro Parliament ang tatlo pang panukalang pangkalusugan sa second reading. Kabilang dito ang mandatoryong pagtatag ng libreng dialysis sa lahat ng opisyal sa buong rehiyon ng BARMM para sa mga indigent na pasyente , pagtayo ng isang level I general hospital sa Maguindanao del Norte, at isang dialysis center sa Cotabato Sanitarium and General Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat.


Nagkaroon naman ng sponsorship na mensahe sina MPs Amilbahar S. Mawallil, Dr. Hashemi N. Dilangalen, at Romeo K. Sema bilang pagpapakita ng suporta sa mga panukala pangkalusugan sa pamamagitan ng
Committees on Health (COH) at Finance, Budget, and Management (CFBM).

Ang panukalang ito ay may impluwensya sa pagpapabuti ng kalagayan sa agrikultura, pangingisda, at maging sa kalusugan ng rehiyon ng Bangsamoro. Ang pagtatag sa BAFTI ay magbibigay ng kinakailangan pagsasanay at pag-unlad para sa mga magsasaka at mangingisda na makakatulong sa pagtaas ng kanilang produkto at kita upang ito’y maging sulosyon sa pagsugpo sa kanilang kahirapan.

Samantala, ang tatlong panukalang pangkalusugan ay magbibigay-daan sa mas malawak at abot-kayang serbisyong medikal para sa mga residente ng BARMM, lalo na sa mga nangangailangan ng dialysis.

Kabilang sa layunin ng pagtatayo ng mga bagong pasilidad ay magpapataas ng kapasidad ng rehiyon na tugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga residente nito, na magreresulta sa mas magandang kalusugan at kalidad ng buhay para sa mga tao sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Sports Festival sa Cotabato City, Pinalakas ang Katangian ng mga PWD sa Pamamagitan ng Palakasan
Next post MSSD-BARMM Namahagi ng Tulong Pinansyal sa CDWs SNP, Para-Social Workers at Kupkop Program, Senior Citizen sa LDS