Bangsamoro gov’t nagpaabot ng tulong sa Turtle Island, Tawi-Tawi

(Litrato mula sa online service provider ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Hunyo, 2024) — Mayor Hadji Faisal Jamalul ng Turtle Islands, Tawi-tawi ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa ibat-ibang ahensya ng BARMM sa isinagawang serbisyong pang medikal na pinangunahan ni MP at Health Minister Kadil Jojo M. Sinolinding Jr.sa suporta ni Chief Minister Ahod Ebrahim.

Kabilang dito ang suporta ng Bangsamoro Parliament, Ministry of Health (MOH), at IPHO ng Tawi-Tawi. Nakibahagi rin ang MSSD, MILG, NFWM, AFP at PNP Medical Teams, MIPA, MBLT12, at WMMC. 

Ayon sa MOH ay tatlong araw na ginawa ang medical mission at ang mga ahensyang nabanggit ay nagka-isa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa lugar na hindi madalas nakakakuha ng serbisyong medikal.

2,146 na indibidwal mula sa Munisipyo ng Mapun at 1,900 residente mula sa Turtle Island, Tawi-Tawi ay nagbigyan ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan.

Malaki ang naging tulong ng proyektong ito sa Tawi-Tawi ayon pa sa organizer. Ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ay nagbigay ng bagong pag-asa sa mga residente. Ang pangunahing operasyong pang-mata ay nagbalik ng malinaw na paningin sa tao, habang ang minor surgeries at konsultasyong medikal ay nagbigay ng paunang-lunas sa pang-araw-araw na karamdaman at kondisyon.

Ang tulong pinansyal, pagkain at mga package pangkabuhayan ay nakatulong sa mga pangangailangan ng bawat pamilya. Ang mga hygiene kit at ang mga materyal na pang-edukasyon tungkol sa mga karapatan ng mga Katutubo, impormasyon sa kalusugan at iba pang kaugnay na adbokasiya para sa mga lokal na residente ay ipinamahagi din.

Sa pangkalahatan ang “Layag Bangsamoro 2024” ay pinagtibay ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno ng BARMM. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MPW itinurn-over ang Multi-Purpose Building sa Camp Siongco, Maguindanao del Norte
Next post Sports Festival sa Cotabato City, Pinalakas ang Katangian ng mga PWD sa Pamamagitan ng Palakasan