74 Housing Unit para sa IDPs sa Maguindanao Del Sur ibinigay ng MSSD
COTABATO CITY (Ika-6 ng Mayo, 2024) — Sa ilalim ng pamumuno ng MSSD, matagumpay na naisagawa ang turnover ceremony ng 74 housing unit sa Barangay Salman, Maguindanao Del Sur noong Abril 30, 2024.
Layon ng proyektong ito na magbigay ng tirahan sa 74 internally displaced persons (IDPs), karamihan sa kanila ay mga indigenous people (IPs) at mga Moro. Ang mga pamilya ay na-displace noong 2018 dahil sa armed conflict at family feud, na nagresulta sa pagkasira ng kanilang mga tahanan.
Ang proyekto ay nagsimula noong Oktubre 23 at natapos sa loob ng mahigit na anim na buwan.
Kabilang sa proyekto ang pagkakaroon ng water system at kuryente sa bawat housing unit, at ang pagsisikap na pondohan ang pagpapatibay ng daan patungo sa mga kabahayan.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan kasama ang MSSD at iba pang ahensya ng gobyerno. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)