Itinatayo ng supporters ng UBJP Lanao at Marawi City Chapters ang malaking tarpaulin na makikita ang MILF-UBJP Leaders sa 1st General Assembly ng Lanao areas. (Litrato mula sa UBJP Headquarters )

COTABATO CITY (May 5, 2024) — Handa na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Lanao del Sur, Lanao del Norte at Marawi City sa gagawing 1st General Assembly bukas, araw ng Lunes, May 6, 2024 na gaganapin sa Poona Bayabao, Lanao Del Sur.

Ayon sa impormasyong nakalap ng BMN at BangsamoroToday.com, ang paghahanda ay pinangunahan ng mga chapter officials sa pangunguna ni Vice President for Northern Mindanao Aleem Ali Solaiman kasama sina LDS Executive Officer Marjanie Mimbantas, LDN Executive Officer Abdullah Macapaar, Marawi City Executive Officer Engr. Momit Tomawis kasama ang mga party officials.

Dagdag sa ulat na inaasahang libu-libong miyembro ng partido at mga community leaders kasama na mga LGUs ang dadalo sa asembleya ng UBJP at ang Party President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim.

(Litrato mula sa UBJP Headquarters )

Kamakailan ay isinagawa naman ang pormal na pagbubukas ng tanggapan ni UBJP Vice President and for Central Mindanao Mohagher M. Iqbal sa lungsod ng Cotabato kasabay ng sunod-sunod na mga pagpupulong sa patuloy na pagpapalakas ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) may prinsipyo at may paninindigang political party sa Bangsamoro region.

Ayon sa karagdagang impormasyon na nakuha ng BMN/BangsamoroToday.com ay isusunod naman ng UBJP ang asembleya nito sa Basilan ngayong May 16, at May 17 naman sa Sulu. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Parliament Floor Leader Dumama-Alba Leads Medicine Distribution to Communities
Next post 74 Housing Unit para sa IDPs sa Maguindanao Del Sur ibinigay ng MSSD