Muslim dumagsa sa Eid’l Fitre Congregational Prayer sa Cotabato City; BARMM Chief Minister Ebrahim kabilang sa mga nagdasal

COTABATO CITY (April 22, 2023) – Sa People’s Palace (City Hall) pa lamang ay umabot na sa 3,000 ang mga mananampalatayang Muslim ang lumahok sa Eid’l Fitre Congregational Prayer bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadhan, at sa Bangsamoro Government Center naman ay kabilang din ang BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim na nagdasal.

Sa mensahe ni Chief Minister Ebrahim, habang ipinagdiriwang ng mga Muslim ang araw na ito, ay dapat anyang alalahanin ang tunay na mensahe ng Ramadhan. Muling pagtibayin ang pangako sa mga prinsipyo ng awa, pagtitiyaga, at pag-ibig na itinuro ng Ramadhan.


Ang Lungsod ng Cotabato na dominante ang bilang ng populasyon ng relihiyong Islam ay sama-samang nagdiriwang ng Eid o araw ng pagtatapos ng Ramadhan, at maging ng mga non-Muslim ay kasama din na nagpapaabot ng kanilang pagbati sa kapwa Cotabateños sa pamamagitan ng social media.

Sa pagdiriwang ng Eid’l Fitre sa lungsod, na pinangunahan ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ay nananawagan ng patuloy na pagkakaisa at pagsunod sa mga itinakdang batas sa lungsod para sa patuloy na pagbangon sa pandemya.

Ang pagdiriwang ng Eid’l Fitre sa pamamagitan ng congregational prayer ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng komunidad at ang papel ng espirituwalidad sa pagsasama-sama ng mga tao at sumisimbolo ng bagong simula ng pag-asa, pagkakaisa, at pagpapatawad para sa buong komunidad. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa BIO-BARMM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Alhuffaz Charity Foundation in Southern PH holds Musabaqah Qur’aniyah Awarding Ceremony
Next post 50 barangay health workers binigyan ng MOH ng tulong pinansyal