
COTABATO CITY (March 21, 2023) – Naglunsad ang United Youth for Peace and Development (UNYPAD)-Cotabato City Chapter ng Piso Donation Drive for Ramadhan 2023 sa ibat’ ibang bahagi ng Cotabato City.
Sa panayam ng BMN kay Yusop Z. Macabuat, Cotabato City Chapter Chairman na noong March 15 ang unang paglilibot ng mga miyembro ng UNYPAD Cotabato City Chapter sa lugar ng Hiway-ORC, Super, Town-City Plaza.
“Sa unang araw ay nakalikom ang aming team ng P10, 846.00, at sa pangalawang araw naman ng kanilang paglilibot ay nakaipon sila ng P7, 630.00 at kabuuang P18, 476,00. Ito ay dalawang araw lang na donation drive para sa Ramadhan ng organisasyon,” ayon pa kay Macabuat.
Ibinahagi din ni Macabuat na ang Piso drive donation ay isa sa mga resulta nang ginawang strategic planning ng UNYPAD Cotabato City Chapter noong March 5, 2023 para sa plano ng organisasyon sa taong 2023-2024 at higit dito ay ang paparating ng buwan ng Ramadhan o tinatawag na “Ramadhan Odyssey.”
Layon ng UNYPAD Cotabato City Chapter Piso Drive donation for Ramadhan 2023 na makalikom ng donasyon na gagamitin sa mga programang gagawin para sa paparating na Ramadhan.
Sinabi din ng City Chapter Chairman ng Cotabato na sa perang nalikom ng kanilang grupo ay para sa gagawing Slogan Online Contest, Poster Making Contest, Essay Writing Contest, Free Iftar Drive sa mga Madrasah, Masjid o sa ibat’ ibang bahagi ng Cotabato City na nangangailangan nang ‘free iftar’ o libreng pabuka. Kabilang din dito ang Series of Symposia, Series of Salindaw Kanu Inged Online Talk Show (Online Ushrah) Social Media Program.
Ang UNYPAD Cotabato City Chapter ay patuloy paring tumatanggap ng donasyon na makakatulong para sa mga programang gagawin sa buwan ng Ramadhan. Sa mga nais na magpadala ng kanilang sadaqa maaaring ipadala via GCASH , Landbank o Palawan. GCASH- 09063303329 Yasmin Grace Gogo; LANDBANK- 0376540677 Yusop Macabuat; at PALAWAN- 09653141206 Alimudin Amella. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa UNYPAD Facebook)
More Stories
Chief Minister Ebrahim graces the State of Bangsamoro Women Address
Bainon G. Karon, Chairperson of BWC during the State of Bangsamoro Women Address held at SKCC, BGC, Cotabato City on...
BARMM Chief Minister Ebrahim awards KAPYANAN 150-unit housing project in Maguindanao del Norte
BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim together with KAPYANAN staff and Local Government Unit Officials in Maguindanao del Norte. (Photo...
ICRC teams begin multi-day operation to reunite hostages and detainees with their families cum deliver assistance
ICRC facilitate the release and transfer of hostages held in Gaza and of Palestinian detainees to the West Bank. (Screenshot...
MP Atty. Arnado implements series of development programs for the Bangsamoro
Presentation of the signed Memorandum of Agreement (MOA) between and among MP Atty. Arnado's office and partners in BARMM. (Photo...
BARMM government builds 180 Million Pesos Kabuntalan-Pahamudin Bridge
Ground breaking ceremony of the PhP180 Million Kabuntalan-Pahamudin Bridge at Maguindanao del Norte. (Photo courtesy of Province of Maguindanao del...
STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL ON THE ISSUANCE OF PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO. 405 GRANTING AMNESTY TO THE MILF MEMBERS
Minister Mohagher M. Iqbal. (BMN/BangsamoroToday File Photo) STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL...