BICTO, Nagsagawa ng Libreng Pagsasanay sa Video Editing para sa mga Office of Other Bangsamoro Communities
COTABATO CITY (Ika-29 ng Enero, 2025) — Isinasagawa ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO) ang Digital Literacy Training on Video Editing, araw ng Martes, ika-28 ng Enero, sa BICTO ICT Literacy and E-Governance Center.
Pinangungunahan ang sesyon ni Aladin Ido, Media Production Specialist II ng Bangsamoro Information Office (BIO), bilang resource person. Dumalo sa pagsasanay ang mga kawani mula sa Office of Other Bangsamoro Communities (OOBC). Sa mga nais na makapagsagawa ng libreng pagsasanay sa digital literacy, maaaring makipag-ugnyan sa BICTO para sa karagdagang impormasyon.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng hangarin ng Bangsamoro Government na itaguyod ang inobasyon at pagkakapantay-pantay sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng accessible at libreng pagsasanay sa digital skills. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)