Bangsamoro Government, Nagsagawa ng Convergence Activity sa Parang, MDN

(Litrato mula sa MIPA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Enero, 2025) — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day, matagumpay na isinagawa ng Bangsamoro Government ang isang convergence activity sa Parang, Maguindanao del Norte. Pinangunahan ng Ministry of Indigenous People’s Affairs (MIPA) ang pagtanggap ng 128 aplikasyon para sa Certificate of Tribal Membership at nagbigay ng libreng legal consultations.

Kasama rin sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng Bangsamoro Government na naghatid ng mga serbisyo para sa mga mamamayan ng rehiyon. Ang mga serbisyo ay kinabibilangan ng:

Ceremonial Turn-over ng mga tseke sa mga BCARES partners , Pamamahagi ng eyeglasses sa mga senior citizens, Pamamahagi ng Unlad Scale-up materials , Pamamahagi ng Agri-Fishery inputs, Pagdadala at pamamahagi ng IT equipment sa mga pampublikong paaralan, Pamamahagi ng bigas, Pamamahagi ng mga punla (seedlings) , Pamamahagi ng hygiene kits , Pagkakaloob ng mga scholarship, Pre-Registration Seminar (PRS) at orientation para sa Social Enterprise, Hand-holding activity at pamamahagi ng IEC materials

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga pangunahing opisyal ng Bangsamoro government, kabilang sina Minister Melanio U. Ulama ng MIPA, Minister Mohagher Iqbal ng MBHTE, Minister Raisa Jajurie ng MSSD, at Member of the Parliament Jamel B. Macacua, na kumatawan kay Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua.

Patuloy na pinatutunayan ng Bangsamoro Government ang dedikasyon nito sa paglilingkod at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa BARMM. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Libreng Serbisyong Medikal, Hatid ng Project TABANG-AHOD sa Maguindanao del Norte
Next post MILF demands stronger peace measures, calls for return of international monitors after Basilan clash