Libreng Serbisyong Medikal, Hatid ng Project TABANG-AHOD sa Maguindanao del Norte

(Litrato mula sa Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Enero, 2025) – Pinangunahan ng Programang Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG), sa pamamagitan ng Access to Health Opportunities and Development (AHOD), ang isang matagumpay na medical outreach program noong ika-23 ng Enero sa Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte.

Mahigit 474 na residente ang nakinabang sa mga libreng serbisyong ibinigay, kabilang ang konsultasyon sa Doktor, eye check-up, tuli para sa mga kabataan, libreng gupit, at pamamahagi ng mga gamot. Layunin ng aktibidad na mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar.

Kabilang din sa namahagi ng medicines at healthcare kits ang Health Ancillary Services sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng Bangsamoro Government at ng Local Government Unit (LGU) ng Upi.

Ang AHOD ay bahagi ng mas malawak na programa ng Project TABANG na tumutulong sa paghahatid ng libreng serbisyong medikal at iba pang tulong sa mga komunidad na kung saan nagsusulong na mapalapit ang koneksyon ng Bangsamoro Government sa mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng agarang suporta. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Inilunsad ang Financial Assistance System Transformation (FAST) Project sa Digital Bangsamoro Summit 2025
Next post Bangsamoro Government, Nagsagawa ng Convergence Activity sa Parang, MDN