Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng Mapping and Needs Assessment
COTABATO CITY (Ika-25 ng Setyembre, 2024)— Matagumpay na naisagawa ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) ang Other Bangsamoro Communities-Mapping and Needs Assessment (OBC-MANA) mula ika-16 hanggang ika-20 ng Setyembre sa Microtel Inn & Suites by Wyndham sa General Santos City.
Pinangunahan ito nina Executive Director Prof. Noron S. Andan at Deputy Executive Director Prof. Shamsuddin L. Taya, kasama ang mga lider, stakeholder, ahensya ng pambansang pamahalaan, at mga lokal na pamahalaan mula sa Region XII.
Sa isinagawang assessment, nagkaroon ng mga targeted workshop kung saan tinalakay ang mga natatanging pangangailangan at hamon na kinakaharap ng iba’t ibang komunidad sa rehiyon. Sa pamamagitan ng data-driven , nagbunga ito ng malalim na pagsusuri at pag-unawa na magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga proyekto at polisiya sa hinaharap.
Ang mga natuklasang datos ay gagamitin upang makalikha ng mga inklusibong estratehiya para sa pag-unlad ng komunidad, tinitiyak na ang mga hinaing at pangarap ng lahat ng Bangsamoro communities ay maisasama at matutugunan.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng OBC-MANA ay nagpapatunay sa kahalagahan ng sistematikong mga pagsisiyasat sa pangangailangan para sa pagpapalago ng komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)