MP Atty. Arnado, MBHTE Nagsimula ng Itayo ang Peace Center sa Cotabato City

(Litrato mula sa Facebook page ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Setyembre, 2024)— Isinagawa ng Tanggapan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado sa pakikipagtulungan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ang groundbreaking ng Peace Center na itatayo sa Cotabato City nitong Martes, ika-24 ng Setyembre.

Ang Peace Center ay isang proyekto sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund ni MP Arnado at pinamamahalaan ng MBHTE, sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Minister Mohagher M. Iqbal.

Ang Peace Center ay inaasahang malaki ang pakinabang para magamit sa mga programang may kaugnayan sa kapayapaan ng mga manggagawa sa pag-unlad, at mga miyembro ng civil society para sa kapayapaan at kasaganaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Philippine Muslim Federation-Qatar Hosts Five-Day Aqeedah Lecture
Next post Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng Mapping and Needs Assessment