MILG Sinuri ang Draft LGAIP Compendium
COTABATO CITY (Ika-8 ng Hulyo, 2024) — Isinagawa ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ang presentasyon ng draft ng Local Government Assistance for Innovative Practices (LGAIP) Compendium sa MILG Conference Room, Cotabato City noong ika-5 ng Agosto bilang bahagi ng pakikipagtulungan sa Support to Bangsamoro Transition (SUBATRA) project, na layuning makuha ang suporta at pag-endorso ng mga opisyal ng MILG para sa nasabing compendium.
Ipinakita ni Consultant Mohammad Abqary Alon ang draft compendium sa mga opisyal ng MILG, kasama sina Fausiah Romancap Abdula, Operations and Management Services Director, Sittie Shahidah R. Katug, Division Chiefs, Assistant Division Chiefs, at LGAIP Focal Person LGOO V. Dumalo rin sa presentasyon ang mga kinatawan ng SUBATRA, kabilang sina Prof. Rufa Cagoco-Guiam at Samrah Karon-Patadon.
Ayon kay MP Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba, Minister of the Interior and Local Government na ang LGAIP Compendium ay mahalaga sa LGUs, “The LGAIP Compendium is a vital resource for our local government units. It highlights the innovative practices that have made a real difference in our communities and serves as a guide for other LGUs striving to achieve similar success. This collection of best practices showcases the potential of our local governments when they are empowered and supported.”
Ang draft compendium ay sinuri ng mga opisyal ng MILG at nagbigay ng mahalagang feedback at strategic guidance upang higit pang mapahusay ang dokumento. Ang kanilang input ay matiyak na ang compendium ay magiging epektibong sanggunian para sa mga LGUs sa buong rehiyon.
Ang presentasyon ay kasunod ng isang workshop na ginanap noong Agosto 1, 2024, sa Villa Miranda, Cotabato City, kung saan ipinakita rin ang draft sa mga LGU LGAIP focal persons at awardees. Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng MILG at SUBATRA na isulong ang pinakamahusay na praktika sa lokal na pamamahala sa rehiyong Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)