Press Briefing ng Bangsamoro government sumentro sa Tagumpay ng BARMM, Pagtulong sa Kalamidad, at Scholarship Program
COTABATO CITY (Ika-8 ng Agosto, 2024) — ipinahayag ni Bangsamoro Government Spokesperson Mohd Asnin K. Pendatun ang mga pinakabagong developments sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa isang press briefing kahapon, araw ng Miyerkules na ginanap sa Bangsamoro Information Office (BIO), Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City.
Isa sa mga pangunahing paksa ng briefing ay ang mga tagumpay ng BARMM sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Binibigyang-diin ni Bangsamoro Spokesperson Pendatun ang pagbibigay pagkilala ng Pangulo sa makabuluhang progreso sa rehiyon, kabilang ang pagbawas ng kahirapan, pagtaas ng tiwala ng mga investors at ang pagpapabuti ng peace and order situation. Ayon sa Pangulong Marcos Jr., ang mga hakbang ng BARMM ay nagpapakita ng kakayahan ng rehiyon na magtagumpay sa darating na Parliamentary Elections sa 2025.
“Sa nakaraang State of the Nation Address ng ating Pangulo, President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ini-highlight yung accomplishments ng BARMM, lead by Chief Minister Ahod Al-Haj Murad Ebrahim. Malaking bagay ito sa atin dahil yung mga ginagawa natin dito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay talagang nakikita ng National government. Ilan doon sa mga na-highlight during the SONA is yung patuloy na pagbaba ng poverty incidence sa region, at ang patuloy na pagtaas ng kumpiyansa ng mga investors na mag invest dito sa atin sa BARMM.” Ayon sa pahayag ni Bangsamoro Spokesperson Pendatun.
Kasunod nito ay pagsagawa rin ng pagbisita ang mga opisyal ng BARMM sa Sulu, na ipinakita ang kanilang commitment sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng ginawang Project Tabang Convergence activity. Ang aktibidad na ito ay nagkaroon ng malakas na pagtanggap mula sa mga residente ng Sulu.
“Ang atin pong Chief Minister, ay nagtungo sa probinsya ng Sulu para dalhin yung Bangsamoro Government sa ating kababayan sa Sulu. Ito po ay sa pamamagitan ng convergence activity ng Project Tabang together with the various ministries and offices of the BARMM at naging-successful at overwhelming actually yung naging resulta ng convergence activity natin sa Sulu, we were not expecting na ganun ho kadami yung pupunta, dadalo at makikilahok at mag-avail ng assistance and services sa Bangsamoro government.”
Binigyang-diin din nito ang mga hakbang ng Bangsamoro Government sa pagtugon sa mga sakuna. Sa iniulat ng Bangsamoro READi, ang mga pinsalang dulot ng mga nakaraang kalamidad, kabilang ang nasirang 257 na bahay at 365 naman ang ganap na nasira sa Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, at Special Geographic Area.
“In terms of damages, sa mga pabahay ho, ng naitala ho natin partially damage ay nasa 257, ang totally damage ay nasa 365. So ito po yung sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte at yung sa Special Geographic Areas. Maliban ho dyan, in terms of agriculture, ang estimated na po na total number nung damage gawa ho nung pagkasira po ng mga pananim, ay nasa 464,580,285. Ito po ay binubuo ho nung 11,320 hectares. Sa poultry naman ho natin, ang damage na naitala, livestock and poultry, ay nasa 2,035,350.”
Isinusulong din ng Bangsamoro Government ang kanilang mga scholarship programs, na tumutulong sa higit 1,000 estudyante sa pamamagitan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) at Ministry of Science and Technology (MOST). Ang mga programang ito ay nagbibigay ng stipend.
“Marami ho tayong Bangsamoro scholarship, meron ho tayo sa MBHTE yung Access to Higher Modern Education, diko lang ho ma-exact yung… but 1000 scholars na rin ho yung atin pong tinutulungan patungkol ho dyan, meron din po tayo sa kabilang ministry yung MOST nasa 902 yun pong currently na tinutulungan, yung sa MOST naman yung Bangsamoro Assistance Science Education (BASE).”
Dagdag pa nito, “Sa first batch ho nitong mga scholars na ito ay karamihan ho sa kanila ay grumaduate with honor at tayo ay nagagalak na yung pong investments natin sa kanilang future ay mukhang nakuha natin ng maayos.”
Kasama rin sa briefing ang pagtalakay sa mga bagong kaso at isyu na nagbigay-diin sa pangangailangan ng transparency at accountability. Sa mga nakaraang linggo, nagkaroon ng mga pulong ukol sa mga isyu ng peace and order, kabilang ang pagtatag ng special investigation task group para sa kaso ni Vice Mayor Roldan Benito ng South Upi, Maguindanao del Sur na tinambangan kasama ang kanyang security aide Weng Marcos na namatay.
Tinutukan din ang mga paghahanda para sa nalalapit na plebisito sa Datu Odin Sinsuat (DOS) at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na inaasahang magiging mapayapa at tapat. “Yun pong gaganaping plebisito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at ang Sultan Kudarat, ang vision ho natin, ang panalangin ho natin is maging mapayapa, malinis yun pong gaganaping plebisito we leave it to the people.”
Ang briefing na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government na i-update ang publiko sa mga progreso at pagsisikap na ginagawa para sa kapakanan ng rehiyon at mga mamamayan nito. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)