Kababaihang Frontliners sa BARMM, Nagsagawa ng Feedback Session para Pagtibayin ang Mekanismo ng GBV at VAWC
COTABATO CITY (Ika-8 ng Agosto, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa pamamagitan ng Women’s Welfare Program (WWP), ay nagsagawa ng dalawang-araw na assessment at feedback session tungkol sa Gender-Based Violence (GBV) at Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) sa Zamboanga City mula ika-30 hanggang 31 ng Hulyo.
“The assessment and feedbacking activity targeted not only women frontliners handling VAWC and GBV cases but also concerned stakeholders and parties. This session is a way of empowering them through their participation in strengthening the mechanism and recognizing their significant role in providing immediate response and sustained support to victims of violence in the community,” Pahayag ni MSSD’s WWP Focal Person Faida Ensanah, RSW.
Kabilang sa mga dumalo ang 26 na kababaihang frontliners mula sa island provinces ng BARMM, kung saan 6 ang mula sa Basilan, 11 mula sa Sulu, at 9 naman mula sa Tawi-Tawi. Ang grupo ay binubuo ng 13 social workers, 10 women volunteers, at 3 VAWC Desk Officers. Participants shared best practices and expertise and provided valuable input during an action planning activity that outlined the next steps to be undertaken.
Ang layunin ng sesyon ay makakalap ng mga datos mula sa mga kababaihang frontliners hinggil sa kanilang nahawakang dating mga kaso. Ibinahagi nila ang kanilang mga pinakamahusay na ginawa at kadalubhasaan, at mabubuo sa mga susunod na na hakbang. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)