OOBC, Tinalakay ang Tagumpay ng Mapping at Needs Assessment sa Bangsamoro Communities

Ang huling Episode ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) Bangsamoro Ka, Saan Ka Man Talkshow Program na pinangunahan ni Pinangunahan nina Prof. Noron S. Andan, Executive Director ng OOBC, at Ms. Ramla Manguda, Record Officer, ang talakayan sa studio ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) noong December 26, 2024. (Larawan kuha ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Disyembre 2024) — Ipinakita ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) ang tagumpay ng kanilang mapping at needs assessment sa Bangsamoro communities sa Purok 2, Datu Mukamad Street, Tamontaka, Cotabato City noong Disyembre 26, 2024.

Layunin ng OOBC na matiyak na ang mga kapatid nating Bangsamoro sa iba’t ibang rehiyon ay makakatanggap ng tamang impormasyon, tulong, at suporta mula sa gobyerno.

Pinangunahan nina Prof. Noron S. Andan, Executive Director ng OOBC, at Ms. Ramla Manguda, Record Officer, ang talakayan sa studio ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN). Kasama rin sa produksyon ang buong BMN team na pinamumunuan nina Ms. Faydiyah S. Akmad, Executive Director, at Mr. Tu Alid Alfonso, Chairman at Head ng Technical Team, kasama ang mga staff na sina Mr. Mohamiden Solaiman, Ms. Hanadz D. Saban, Ms. Hasna Bacol, at Ms. Sahara Saban.

Ayon kay Prof. Noron S. Andan: “Isa ito sa tutukan ng opisina ngayon — ang institutional strengthening, lalo na sa MNA system. Paano natin masisiguro na ang lahat ng nailabas na serbisyo ay tumpak at makabuluhan kung hindi natin maitatag ang Emily System? Isa ito sa pinapalakas natin, kasama ang kakayahan ni Brother Rosman Musa, kung paano maitatag at ma-demo ang sistemang ito. Layunin nitong palakasin ang OOBC bilang coordinating office sa pamamagitan ng participatory approach, pagbuo ng maayos na database, at pagpapalawak ng serbisyo para sa lahat ng Bangsamoro communities, lalo na ang nasa labas ng BARMM, habang tinutukoy ang lessons learned at plano para sa susunod na taon.”

Nagbigay din ng mensahe si Ms. Ramla Emanguda: “Para sa mga taga-suporta ng OOBC, sana huwag kayong magsawa sa pagsuporta. Sa umpisa pa lang ng OOBC, hinihikayat namin na maging matiisin sa pag-aantay ng assistance. Ginagawa namin ang lahat upang maibigay ang nararapat na tulong at impormasyon sa komunidad, kaya sana patuloy ang inyong suporta.”

Sa kabuuan, ang OOBC ay patuloy na nagsisilbing tulay ng BARMM para sa lahat ng Bangsamoro, nasa loob man o labas ng rehiyon. Ang kanilang mga karanasan sa mapping at needs assessment ay nagbigay daan sa mas malalim na pag-unawa sa pangangailangan ng komunidad. Kasabay nito, ang kanilang mga plano sa hinaharap — pagpapalawak ng serbisyo, pagbuo ng maayos na database, at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders — ay nagpapatunay na ang OOBC ay hindi lamang naglilingkod kundi nagpapanday ng mas inklusibong Bangsamoro na sama-samang umuunlad. (BMN/ BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Accomplishment ng MILG, Ibinahagi sa Year-End Report sa Media Conference
Next post P6.3-T na Pambansang Badyet, Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr.