Mahigit 100 Nakatatanda sa SGA, Nabenepisyuhan sa Outreach Activity ng MSSD

COTABATO CITY (Ika-10 ng Oktubre, 2025) — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng isang outreach activity para sa mahigit 100 senior citizens sa Kalilangan, Barangay Poblacion, Ligwasan, Special Geographic Area (SGA) ng BARMM noong Oktubre 7, 2025.
Namahagi ang MSSD ng 120 Hadiya Care Packages na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng adult diapers, gatas, kumot, medyas, pulse oximeter, thermoscanner, liniment oil, at antiseptic solution.
Isa sa mga nakatanggap, si Matabay Pamaggalog, 71 taong gulang, ay taos-pusong nagpasalamat sa tulong:
“Ngayong matanda na ako, masakit na ang mga tuhod ko at mahina na rin ang katawan ko. Kaya itong binigay ninyo ay malaking tulong. Alhamdulillah,” ani Pamaggalog.
Bukod dito, 40 wheelchairs at 25 quad canes ang ipinamahagi sa mga nakatatandang may pisikal na limitasyon, habang 11 benepisyaryo naman ang nabigyan ng upgraded eyeglasses sa ilalim ng programang “Sagip Paningin para kay Lolo at Lola.”
Bawat kalahok ay tumanggap din ng family food pack na naglalaman ng 25 kilo ng bigas at iba pang grocery items bilang dagdag na suporta sa pang-araw-araw na gastusin.
Isinagawa rin ang orientation tungkol sa mga karapatan, benepisyo, at programang maaaring ma-avail ng mga senior citizen sa ilalim ng MSSD, na pinangunahan ni Jaymar Sali, Focal Person ng Older Persons and Persons with Disabilities Welfare Program.
Sa tulong ng Cadulong Hospital at Cruzado Hospital, nagkaroon din ng libreng medical check-up at pamamahagi ng gamot bilang bahagi ng serbisyong pangkalusugan ng aktibidad.
Upang higit pang mapadali ang pag-access ng mga nakatatanda sa mga serbisyong medikal at sosyal, naglagay ang MSSD ng dalawang help desks para sa B-CARES Program at Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SocPen). (BMN/BangsamoroToday)