UBJP President Ebrahim Pinangunahan ang Mass Oath-Taking ng mga Kandidato ng MDN at MDS

(Litrato Mula sa UBJP)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Pebrero, 2025)— Pinangunahan ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) party President Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim ang isang espesyal na Mass Oath-Taking at opisyal na pagtaas ng kamay ng mga kandidato para sa Gobernador, Bise Gobernador, Board Members, Mayor, at Konsehal ng Maguindanao del Norte (MDN) at Maguindanao del Sur (MDS) na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City noong ika-19 ng Pebrero.

Ang seremonyang ito ay sumisimbolo sa muling pagsasariwa ng dedikasyon ng partido sa Moral Governance sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at nagpapakita ng lumalakas na impluwensya ng UBJP sa paghubog ng hinaharap ng Bangsamoro homeland.

Binigyang-diin ni Ebrahim na sya ring Chief Minister ng BARMM ang kahalagahan ng tagumpay ng bawat kandidato sa pagtamo ng kapayapaan at kaunlaran sa bawat komunidad sa BARMM. Hinimok din niya ang mamamayan na suportahan ang lahat ng kandidato ng UBJP upang masigurong magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad sa Bangsamoro region, partikular sa mga lalawigan ng MDN at MDS, sa pamamagitan ng tunay na batayang pampulitika sa ilalim ng panawagang “Moral Governance.”

Kasama sa naturang pagtitipon ang Party Vice President para sa Northern Mindanao na si Aleem Ali Solaiman, UBJP Secretary-General at kasalukuyang Gobernador ng MDN na si Abdulraof “Sammy Al-Mansoor” Macacua, MDN Gubernatorial Candidate Datu Tucao Mastura, MDN Vice Gubernatorial Candidate Datu Marshall Sinsuat, MDS Gubernatorial Candidate Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang, MDS Vice Gubernatorial Candidate Sheikh Hisham Nando, at MDS Congressional Candidate Esmael “Toto” Mangudadatu. Dumalo rin ang iba pang opisyal ng UBJP, pati na ang mga provincial at municipal candidates mula sa MDN at MDS. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post LDS nakatanggap ng P15B para sa mga Serbisyong Panlipunan at MSSD Tiniyak ang Tulong sa bawat Bangsamoro
Next post Bangsamoro Social Protection Plan 2024-2028 Inulansad ng MSSD sa Bangsamoro region