77 Kababaihan sa Cotabato City, Dumalo sa Orientation Tungkol sa Gender-Based Violence ng MSSD

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Nobyembre, 2024) — Umabot sa 77 kababaihan mula sa Poblacion 8 ang dumalo sa isang orientation na inorganisa ng Women Welfare Program (WWP) ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na layunin palawakin ang kamalayan ng mga kababaihan at bigyan sila ng kaalaman hinggil sa Gender-Based Violence (GBV) at Child, Early, and Forced Marriage and Unions (CEFMU).

Tinalakay sa programa noong ika-16 ng Nobyembre, sa Poblacion 8 Gymnasium ang iba’t ibang uri ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata, gayundin ang mga mekanismong pang-proteksyon upang labanan ang mga isyung ito.  

Bilang karagdagang tulong, nakatanggap ang bawat kalahok ng welfare package na naglalaman ng 25 kilo ng bigas, mga de-latang pagkain, at instant coffee upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.  

Binanggit ni WWP Focal Person Faida Ensanah ang pagpupursige ng MSSD sa pag-abot sa mga komunidad ng Bangsamoro at mga grupong mahihina sa lipunan.  

“One of the core mandates of the ministry is to strengthen awareness of violence and provide protection mechanisms to women in BARMM region,” ani Ensanah.  

Samantala, binigyang-diin ni Social Welfare Officer I Bai Fajar M. Mokamad ang kahalagahan ng pagpapalakas sa kababaihan upang maunawaan ang GBV at ang kanilang mga karapatan.  

“Provision of food assistance is an immediate aid to secure the needs of vulnerable women and their families, however, Gender-Based Violence awareness is indeed a sustainable intervention that plays an essential role not just for women empowerment as well as to the nation building,” pahayag ni Mokamad.

Dagdag ni Mokamad, ang dalwang pinagsamang tulong ay magbibigay ng kahanga-hangang epekto hindi lamang sa grupo ng kababaihan kundi maging sa buong komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post P40 per Kilo ng BBM Rice Project, Tulong ni MP Ambolodto sa Multi-Purpose Cooperative sa Tapayan, Sultan Mastura, MDN
Next post 148 Bangsamoro Iskolar, Sumailalim sa Training Induction Program ng MBHTE-TESD Cotabato City District Office