Mahigit 40 MILF members sa Camp Rajah Muda Mag-apply ng Amnestiya

(Litrato mula sa PSRO)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Nobyembre, 2024) — Ang Peace, Security, and Reconciliation Office (PSRO) na tanggapan mula sa ilalim ng Office of the Chief Minister (OCM), sa pakikipagtulungan ng MILF-TWG sa Amnesty at ng Local Amnesty Board – Cotabato City, ay isinagawa ang pagkuha ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na mag apply ng amnestiya sa Camp Rajah Muda, Ligawasan, SGA noong ika-11 ng Nobyembre.

Ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng MILF-TWG, MILF AHJAG, CCCH, at mga kinatawan mula sa tanggapan ni MP Baileng Mantawil.

Sa pahayag ng PSRO ay maayos na tinanggap ang aktibidad ni MP Jack Abas ng MILF-BIAF Eastern Mindanao Front Commander, na nagbigay ng lugar at pagkain para sa mga kalahok.

Sa nasabing pagtitipon, humigit-kumulang 40 miyembro ng MILF ang matagumpay na nakapagsumite ng kanilang aplikasyon para sa amnestiya, isang hakbang na layuning maisulong ang kapayapaan sa rehiyon.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno upang maitaguyod ang kapayapaan at pagpapatawad, at matulungan ang mga miyembro ng MILF na makapagbagong-buhay at mag-ambag sa pagpapalakas ng komunidad at seguridad sa Mindanao. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post PMFI Nagsagawa ng Halalang Bangsamoro Workshop para sa AB4 Implementing Partners
Next post IHH Opens Orphan Educational Complex in Maguindanao del Sur, BARMM