BARMM Naglunsad ng Fusaka Inged Young Leaders Program para sa mga Kabataang Katutubo

(Litrato mula sa Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs – BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Oktubre, 2024) — Inorganisa ng Ancestral Domain Division ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs BARMM ang paglunsad ng Fusaka Inged Young Leaders Program at isinagawa ang IP Youth Leaders Conference sa City Mall Convention Hall, Cotabato City.

Sinabi ni Andic B. Maningula, Ex-Officio-Commissioner na kumakatawan sa IP Youth ng BARMM, na layunin ng programang ito na bigyang kapangyarihan ang mga kabataang IPs at hikayatin sila na makilahok sa makabuluhang diskusyon ukol sa kanilang mga karapatan at pamana. Ayon kay Maningula, “This initiative aims to empower Indigenous Peoples’ (IP) youth and engage them in meaningful discussions about their rights and heritage. Recognizing the challenges many young people face, the event aimed to help IP youth by providing education on ancestral domains, promoting mental health awareness, and fostering leadership skills.”

Isa sa mga tampok ng kumperensya ay ang presentasyon ni Nairah M. Dumawal, RPm, mula sa Mental Health Unit ng Ministry of Health. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kalusugang, lalo na sa mga kabataan, at sinabi, “You cannot help others if you are struggling yourself.” Ibinahagi ni Dumawal na mahalaga ang mental health upang makilala natin ang ating potensyal at harapin ang mga pagsubok ng buhay. Sa isinagawang workshop, natuwa siya nang malaman na ang nangungunang tatlong estratehiya ng mga kalahok sa pagharap sa stress ay ang pakikipag-usap sa pamilya o kaibigan, panalangin o gawaing panrelihiyon, at pagsali sa mga malikhaing aktibidad.”

Kasunod ng presentasyon ni Dumawal, si Settie Ivy C. Ampatuan, OIC at Division Chief ng Bangsamoro Youth Commission (BYC), ay nagbigay naman ng inspirasyon sa mga kalahok sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan sa pamumuno, boluntaryong serbisyo, at pagbubuo ng mga pakikipag-ugnayan. Hinikayat niya ang mga kabataan na tumayo para sa kapwa at humanap ng mga oportunidad na tugma sa kanilang mga adhikain habang tinutugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.

Samantala, ibinahagi ni Dr. Jonaib M. Usman mula sa MBHTE-TESD-BARMM ang dedikasyon ng kanilang Ministry sa pagbibigay ng akses sa edukasyon at pagsasanay ng mga kasanayan para sa lahat ng kabataan sa BARMM, lalo na sa mga kabataang IPs.

Ayon kay Melanio U. Ulama, Minister ng MIPA-BARMM, “Education is a gift that can never be taken away.” Hinihikayat niya ang mga kabataan na magpokus sa kanilang pag-aaral at mag-invest sa kanilang kinabukasan, habang ipinapaalala ang kanilang mahalagang papel bilang mga susunod na lider. Ang mensahe ng suporta ay pinalawig din nina Hon. Suadi C. Pagayao, Deputy Minister ng MIPA, Hon. Judith G. Tinio, Ph.D., Director General ng MIPA, at Rodolyn P. Andres, Chief ng Ancestral Domain Division.

Binigyang-diin sa pograma ang pagkakaisa at ang patuloy na pagsisikap para maiangat ang mga komunidad at mabigyan ng kapangyarihan ang kabataang katutubo na maging mga lider na kanilang destinasyon.(Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Chief Minister Ebrahim Witnesses Ceremonial Signing of the 1st Coal Operating Contract in Bangsamoro
Next post MILG Pinangunahan ang Barangay Assembly Day sa Nabundas, Itinaguyod ang Grassroots Governance