UBJP Nagpahayag ng Suporta sa mga Party Workers nito na Naging Biktima ng Karahasan sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur

UBJP Party President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim. (Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY (Ika-10 ng Oktubre, 2024) — Matapos ang insidente ng karahasan sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur sa panahon ng Certificate of Candidacy (COC) filing caravan noong Martes, nagpahayag ng pagkabahala ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa mga pag-atake laban sa kanilang mga kasamahan. Binansagan ng partido ang mga insidente bilang hindi katanggap-tanggap at isang banta sa mga prinsipyo ng demokrasya at kapayapaan.

Ayon sa pahayag ng UBJP, ang mga pag-atakeng ito ay nagdulot ng takot hindi lamang sa kanilang mga miyembro kundi pati na rin sa mga ordinaryong mamamayan.

Kabilang sa kanilang mga hakbang, naglaan ang UBJP ng tulong sa mga biktima at kanilang pamilya, na naglalayong muling maibalik ang kanilang tiwala at seguridad. “We extend our deepest sympathies to the victims of this embarrassing and desperate act. The UBJP leadership have provided assistance to our affected members and their families”, pahayag ng UBJP.

Pinaalalahanan naman ng UBJP ang lahat, na ang halalan ay dapat maging isang pagkakataon para sa muling pagpapanumbalik sa pag-asa at magsilbing inspirasyon, hindi pagkapoot. “Election should be a time for renewed hope and inspiration, not hate and subversion.”

Sa kabila ng pangyayari ay patuloy ang pagsisikap ng UBJP na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang masusing imbestigahan ang mga insidente at matiyak ang pananagutan ng mga nasa likod ng mga pag-atake.

“We are now working with authorities to conduct a thorough investigation and ensure that those responsible are held accountable for their actions,” ayon pa UBJP. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Palestinian envoy sa Ankara, sinabi na sinisira ng Israel ang 2-state solution
Next post MSSD, nagsagawa ng monitoring at pamamahagi ng rice subsidy sa mga benepisyaryo ng Unlad Program sa Kabuntalan, MDN