MOST BARMM-PSTC Maguindanao, Ibinigay sa Benepisyaryo ang Production Area at Pasilidad para sa MSMEs sa Maguindanao Del Sur at Del Norte
COTABATO CITY (Ika-3 ng Oktubre, 2024) — Ikinagagalak ng Ministry of Science and Technology (MOST) PSTC-Maguindanao ang pahayag sa matagumpay na turnover ceremony ng kinumpuni at pinalawak na production area, kasama ang mga bagong kagamitan at pasilidad na ibinigay para sa mga benepisyaryo ng 2023 STS-MSMEs sa mga lalawigan ng Maguindanao Del Sur at Maguindanao Del Norte.
Kasama sa seremonya si Engr. Abdulrakman K. Asim, Bangsamoro Director General ng Ministry of Science and Technology (MOST), na nagpakita ng pamumuno at dedikasyon sa proyekto. Taos-puso rin ang pasasalamat ang MOST BARMM – PSTC Maguindanao kay Ma’am Bai Moniera Salilama mula sa Science and Technology Services, at kay Ma’am Kursom Utto Agao, sa kanilang suporta at pagkalinga sa inisyatiba.
“We are honored to have had the participation of Engr. Abdulrakman K. Asim, the Bangsamoro Director General of the Ministry of Science and Technology. His leadership and commitment to this activity is invaluable,” pahayag pa ng MOST BARMM – PSTC Maguindanao sa kanilang social media post.
Kasama sa mga benepisyaryo ng proyekto ang AU Bakat Farmers Marketing Cooperative sa Brgy. Bakat, Radjah Buayan, Maguindanao Del Sur, pati na rin ang Yantakoz Marketing at Mirmens Noodle Factory sa Brgy. Katuli at Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte.
Inaasahan ang positibong epekto ng mga proyektong ito sa mga komunidad na pinaglilingkuran, at makita ang mga oportunidad na hatid ng mga susunod pang hakbang sa proyekto. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)