Community Roll-Out on Voters’ Education para sa BIAF-MILF Combatants at Kanilang Pamilya sa Camp Badre, Dinaluhan ng Higit 1000 Partisipante
COTABATO CITY (Ika-3 ng Oktubre, 2024) — Matagumpay na naisagawa ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) ang Community Roll-Out on Voter’s Education para sa mga BIAF-MILF combatants at kanilang mga pamilya mula sa Camp Badre sa pakikipagtulungan sa Bangsamoro Parliament sa ilalim ng Activate Bangsamoro Phase 4, na suportado ng The Asia Foundation (TAF) at ng UK Government na ginanap sa Municipal Gymnasium, Guindulungan, Maguindanao del Sur noong Sabado, ika-28 ng Setyembre.
Mahigit 1000 katao mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) community ang dumalo sa programa, at mula sa bilang na ito ay ang 1000 BIAF members, 70 BIWAB, 100 Political Committees (PolCom) members, at ang kanilang mga pamilyang rehistradong botante.
Sa nasabing aktibidad, nagbigay ng lecture ukol sa 2025 BARMM Parliamentary Election si Atty. Alianna Arnica Mambatao, OIC ng Legislative Measures and Legal Assistance Division ng Bangsamoro Transition Authority (BTA). Sa pamamagitan ng online platform, nagbigay din ng lecture si Mark Christopher Ramirez mula sa COMELEC National patungkol sa 2025 National and Local Election at ang paggamit ng bagong Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin ng mga botante sa darating na 2025 BARMM Parliamentary Election.
Dumalo at nagbigay naman ng mensahe ang Mayor ng Guindulungan na si Midpantao Midtimbang Jr., kasama ang kanyang Vice Mayor na si Guiadzali Midtimbang, PLT Patrick Dangalao, Chief of Police ng Guindulungan, MDS, Salih P. Agay, kinatawan ng MILF-CCCH, at si Em Batunan, Deputy ng 104th Base Command.
Ang matagumpay na Community Roll-Out on Voters’ Education para sa mga BIAF-MILF at kanilang mga pamilya mula sa Camp Badre ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas aktibong partisipasyon sa darating na eleksyon, hindi lamang ito nagbigay ng impormasyon kundi pati na rin ng inspirasyon upang maging bahagi ng demokratikong proseso, na susi sa pag-unlad at kapayapaan sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga ito tungkol sa mga proseso at bagong teknolohiya tulad ng Automated Counting Machine, ay napatunayan ng BMN at mga katuwang nito sa proyektong Activate Bangsamoro Phase 4 ang pagpapalakas ng kaalaman at pagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng komunidad.
Lubos namang nagpasalamat ang Executive Director ng BMN na si Faydiyah S. Akmad sa mga tumulong upang magtagumpay ang programa, kasama niyang pinasalamatan ng tanggapan ng BIAF-MILF Chief of Staff Abdulraof “Sammy Gambar” o kilala din sa “Gob Sam” A. Macua at ni Toks Ebrahim kasama si Dr. Tomanda Antok, gayundin ang tanggapan ni MILF Central Committee member an siyang Chairman ng Peace Implementing Panel MOhagher M. Iqbal at MILF-CCCH.
Kabilang din na pinasalamatan ni ED Akmad ang Bangsamoro Parliament, BIO-BARMM, COMELEC, TAF, UK Government, LGU ng Guindulungan, mga lumahok na partisipante, BMN Volunteers mula sa MSU-Maguindanao, at iba pang sumuporta sa maayos na pagsasagawa ng programa.
Una lamang ito na naisagawang Voters’ Education Campaign ng BMN mula sa anim na recognized na kampo ng MILF sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na gagawin ang pagpapaunawa sa paparating na halalan sa bansa at sa rehiyon ng Bangsamoro. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)