400 Bagong AHME Scholars, Lumagda ng Kontrata sa MBHTE at Nanumpa para sa Taong 2024-2025
COTABATO CITY (Ika-16 ng Setyembre, 2024) — 400 estudyante at bagong scholars sa ika-5 Cohort ng Access to Higher and Modern Education Scholarship Program (AHME SP) sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher Education (MBHTE) Directorate General for Higher Education (DGHE) ang pormal na lumagda ng kontrata at nanumpa na gagawin nila ang maayos ang kanilang pag-aaral bilang mga bagong benepisyaryo ng programang pang-edukasyon na pinangunah ni BARMM Education Minister Mohagher M. Iqbal at Director General for HIgher Education Marjuni M. Maddi noong ika-10 ng Setyembre na ginanap sa SKCC, Cotabato City.
Sa mga bagong inductees, 100 ay mula sa Lungsod ng Cotabato, 200 mula sa Probinsya ng Maguindanao, at 100 mula sa mga Special Geographic Areas (SGA). Patuloy na pinalawak ng AHME ang saklaw nito upang mas marami pang kabataan sa Bangsamoro ang makapag-aral sa kolehiyo.
Mula nang ilunsad ang AHME SP noong 2020, ito ay nagkaroon ng malaking ambag sa pagpapalawak ng access sa mataas na edukasyon sa rehiyon ng Bangsamoro. Sa kasalukuyan, may 352 scholars na mula sa Cotabato City, 651 sa Probinsya ng Maguindanao, at 391 sa mga SGA.
Ngayong School Year 2024-2025, umabot na sa kabuuang 1,400 ang bilang ng mga AHME scholars sa buong Bangsamoro region.
Nagsimula ang mga scholars ng ika-5 Cohort noong Mayo, nang magbukas ang aplikasyon para sa programa. Ang kanilang pagkakapili sa AHME scholarship ay patunay ng kanilang pagsisikap sa larangan ng akademya, gayundin ng dedikasyon ng MBHTE sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagbibigay ng oportunidad sa bawat Bangsamoro. (Hasna U . Bacol, BMN/BangsamoroToday)