35 Yunit ng Kubota Hand Tractor, Ipinamahagi ng Tanggapan ni MP Antao sa Magsasakang Dating MILF Combatants sa SGA

(Litato mula sa tanggapa ni MP Mohamad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-16 ng Setyembre, 2024) — Ipinamahagi ng tanggapan ni Member of Parliament (MP) Mohammad Kelie U. Antao ang 35 yunit ng Kubota hand tractor sa mga Farmers’ Association ng dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Special Geographic Area (SGA) ng BARMM na ginanap sa Barangay Bual Sur, Midsayap, Cotabato noong ika-10 ng Setyembre.

Binigyang-diin ni MP Antao ang kanyang layunin na makatulong sa mga dating combatants na ngayon ay tahimik ng namumuhay bilang mga magsasaka matapos ang peace agreement sa pagitan ng MILF at pamahalaan. Ang mga makinaryang pangsaka na ito ay magbibigay ng karagdagang suporta sa kanilang pagbabagong buhay at nagsisilbing tulong sa kanilang mga kabuhayan. Bagama’t isang representante lamang ng mga asosasyon ang tumanggap ng mga hand tractor, ito ay dapat pakinabangan ng mas nakararami, kabilang ang mga hindi kasapi ng mga asosasyon ayon kay MP Antao.

Ang mga benepisyaryo ay nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa tanggapan ni MP Antao at sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) ng BARMM na pinamumunuan ni MP Dr. MOhammad S. Yacob. Ang nasabing mga kagamitan ay pinondohan mula sa 2023 Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Antao, na naglalayong maghatid ng pangmatagalang suporta sa mga komunidad ng mga dating MILF combatants.

Matatandaang sa mga nagdaang buwan, sunod-sunod ang pamamahagi ng tanggapan ni MP Antao tulong mula sa kanyang pondo sa loob ng TDIF, sa tulong at gabay ng Regional Development Coordination and Evaluation (RDCE) Unit Head na si Mohammad Norsie A. Mindog at ng TDIF Focal Monawara Abdulsamad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Twenty Halal-Friendly Philippine Products to be Showcased at Trade Fair in Malaysia
Next post 400 Bagong AHME Scholars, Lumagda ng Kontrata sa MBHTE at Nanumpa para sa Taong 2024-2025