MIPA Nagsagawa ng Pagsasanay sa Maagang Babala at Tugon sa Kalamidad para sa Kababaihan sa mga Baybaying Komunidad

(Litrato mula sa MIPA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Setyembre, 2024) — Sa pangunguna ni Minister Melanio U. Ulama ng Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA), at sa pamamagitan ni Deputy Minister Suadi C. Pagayao, katuwang ang Gender and Development (GAD) Focal Person, matagumpay na naisagawa ang isang mahalagang inisyatibo sa Hotel Al-Maseer, Cotabato City noong ika-10 hanggang ika-11 ng Setyembre tungkol sa pagsasanay sa Early Warning Early Response (EWER).

Ayon pa sa MIPA, ang programang ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kababaihan sa mga baybaying lugar ng mga munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat at Datu Blah Sinsuat na pawang nasa lalawigan ng Maguindanao del Norte upang mas epektibong tumugon sa mga mangyayaring kalamidad at emergency.

Ang nasabing pagsasanay ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan sa mga baybaying komunidad, upang maging aktibo sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna. Itinuro sa mga partisipante ang mahahalagang kaalaman at kasanayan tungkol sa disaster preparedness, risk reduction, at mga pamamaraan ng pagtugon na naaayon sa mga tiyak na panganib na kinakaharap ng kanilang mga komunidad.

Ang aktibong partisipasyon at positibong tugon mula sa mga kababaihang kalahok ay nagpapakita ng kanilang matibay na pangako na gamitin ang mga natutunan upang maprotektahan at mapalakas ang kanilang mga komunidad sa oras ng krisis.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng MIPA sa isang inklusibo at may malasakit na tugon sa pamamahala ng mga sakuna, na tinitiyak na ang mga kababaihan ay may sapat na kakayahan at kaalaman upang makibahagi sa pagbuo ng matatag na mga komunidad.

Pagbibigay diin ng MIPA na patuloy na susuportahan ang mga ganitong uri ng programa na nagbibigay-kapangyarihan sa mga kababaihang Pangkat-Etniko at kanilang mga komunidad, tungo sa isang ligtas at mas matatag na kinabukasan para sa lahat. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post STATEMENT OF MOHAGHER M. IQBAL IN RE: THE SEPARATION OF SULU FROM BARMM
Next post 527 Pamilyang Apektado ng Baha sa Ampatuan, MDS Tumanggap ng Tulong at Mga Kababaihang Apektado ng Armadong Labanan sa Datu Odin Sinsuat, MDN, Sumailalim sa MHPSS