MAFAR BARMM at Mayor ng Omar, Sulu, Nagkasundo sa Pagpapatupad ng Proyektong Pangisdaan
COTABATO CITY (Ika-16 ng Agosto, 2024) — Ang MAFAR-SULU Fisheries Services ay malugod na tinanggap ang pagdating ng MAFAR BARMM Bangsamoro Director General of Fisheries Services, Pendatun S. Patarasa, MPA Kasama si Director II ng Fisheries Operation Services Macmood D. Mamalangkap, PhD, at iba pang opisyal sa Sulu noong ika-13 ng Agosto, 2024.
Una nilang pinuntahan Ang grupo sa Serantes Fish Landing sa Public Market, Jolo, Sulu, upang makipagkita sa pangulo ng kooperatiba at binisita ang sampling site ng RSAP na pinagtatrabahuhan ng fish enumerators. Nagkaroon sila ng courtesy visit kay MAFAR Sulu Provincial Director Engr. Alfie U. Iribani, DPA, upang talakayin Ang kanilang layunin. Nakipagpalulong din sila kay Dean Prof. R. Ancheta para pag-usapan ang posibleng kooperasyon at pagtibayin ang kasunduan ukol sa pagpapatupad ng 2022 Mangrove Aquasilviculture and Ecotourism Project sa Munisipalidad ng Omar, Sulu.
Naganap ang isang pormal na kasunduan sa MAFAR Sulu Provincial Office sa pagitan ni Mayor ng Omar, Sulu, Hon. Abdulbaki J. Ajibon, at MAFAR BARMM Bangsamoro Director General for Fisheries Services Patarasa, MPA, kasama sina Fisheries Operation Services Dir. II Macmod D. Mamalangkap, Ph.D, at MAFAR Sulu Provincial Director Engr. Alfie U. Iribani, DPA. At dito ay tinalakay ang pagpapatupad ng 2022 Mangrove Aquasilviculture and Ecotourism Project at 2023 Aquaculture/Mariculture Project sa Barangay Angilan, Omar, Sulu.
Sa naganap na pagpupulong ay inihayag ni Prof. Ancheta ng MSU Sulu Fisheries na makipag-ugnayan sila sa Municipal Mayor upang pag-usapan ang target na petsa ng implementasyon ng naturang proyekto.
Pinirmahan ang pormal na kasunduan sa harap nina Chief of Fisheries Division Sulu Fardia J. Abduhasad, Chief Jun Arap, Chief of Admin and Finance Wendy M. Reyes, Municipal MAFAR Officer Engking J. Zakilan, Agriculturist I Aidalyn P. Kitiani, MAFAR Sulu Legal Assistant Sadikul Salim, SuARPO Mujina T. Taradji, at may espesyal na partisipasyon ni Prof. R. Ancheta, Dean ng MSU Sulu College of Fisheries. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)