
BTA Committee on Basic, Higher and Technical Education nagsagawa ng Learning Visit at Benchmarking sa Senado

COTABATO CITY (Ika 11 sa buwan ng Agosto, 2024) — Nagsagawa ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng learning visit at benchmarking activity na pinangunahan ng BTA Committee on Basic, Higher and Technical Education (CBHTE) sa Senate of the Philippines – Senate Committee on Basic Education noong Miyerkules, ika-7 ng Agosto.
Sa social Media post ni MP Diamila Disimban-Ramos sinabi nito na bilang miyembro ng CBHTE, ay Ikinagagalak nila ang pagkakaroon ng produktibong pagpupulong at palitan ng impormasyon, sa pagitan ng ating komite sa Bangsamoro Parliament na pinamumunuan ng Chairperson nitong si BTA Member Eddie Mapag Alih.
Sa nasabing programa, na pinamunuan naman ng counterpart committee ni MP Alih sa Senado sa pamamagitan ni Sen. Win Gatchalian, ay naging katuwang sa pagbuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon sa BARMM.
Dagdag sa ulat, bukod pa sa pagdalo sa committee hearing at plenary session ay nagkaroon din ng Round Table Discussion on Education na pinangunahan ng ilang opisyal ng Senado sa pangunguna nina Deputy Secretary for Legislation Atty. Marivic Laurel Garcia at Dir. Suh Candao ng Legislative Research Service. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)