Office of the Chief Minister pinalakas ang Serbisyong Pampubliko
COTABATO CITY (Ika-26 ng Hulyo, 2024) — Isinagawa ng Office of the Chief Minister (OCM) ang dalawang-araw na pagsasanay tungkol sa Basic Customer Service Skills para sa mga opisyal ng Public Assistance and Complaints Desk (PACD) mula Hulyo 24-25, sa Cocina Isabella. Ang pagsasanay ay pinangunahan ng OCM-BARMM sa pamamagitan ng Personnel Development Committee (PDC) at AMS – Human Resource Management Division, sa pakikipagtulungan sa Development of the Academy of the Bangsamoro (DAB).
Ayon pa sa Internal Audit Office ng OCM, layunin ng pagsasanay na ito ay upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga PACD officers para makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa publiko. Nakakuha ang mga kalahok ng mas malalim na pang-unawa sa mga prinsipyo ng customer service, pinahusay ang kanilang interpersonal skills, at nag-develop ng client-centric mindset.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ng pagsasanay ang kahalagahan ng etikal na pag-uugali sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa RA 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ang OCM ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsasanay na ito upang mabigyan ng kinakailangang kakayahan ang mga frontline staff. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)