Rido Settlement sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, Naging Matagumpay

(Litrato mula sa PSRO-OCM)

COTABATO CITY (Ika-24 ng Hulyo, 2024) — Nagsagawa ng isang mahalagang hakbang ang Peace, Security and Reconciliation Office ng Office of the Chief Minister (PSRO-OCM) sa pagsaksi ng Rido Settlement sa Barangay East Libutan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.

Ang nasabing pagtitipon ay naglayong ayusin ang alitan ng dalawang pamilyang nagkakaroon ng hidwaan dahil sa isyu ng lupa.

Bukod sa Team PSRO, dumalo rin ang mga Commanders mula sa hanay ng BIAF, kasama sina Sheik Abdulwahab Kawilan at Ustadz Abdulmaula Tahir na kapwa mga Consultant ng Office of the Chief Minister ng BARMM.

Lubos ang pasasalamat ng Team PSRO sa mga tumulong upang maisakatuparan ang Rido Settlement na ito. Inaasahan nilang ito na ang magiging simula ng tuluyang pagresolba ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang pamilya.

Ayon pa sa PSRO, ang pagkakasundong ito ay isang malaking hakbang tungo sa kapayapaan ng lugar at mga mamamayan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD-BARMM patuloy ang suporta sa Island Province ng Tawi-Tawi at Sulu
Next post MSSD, Naghatid ng Tulong sa 1,800 Pamilyang Naapektuhan ng Baha sa Maguindanao deo Sur at Tugunan, SGA