MSSD-BARMM patuloy ang suporta sa Island Province ng Tawi-Tawi at Sulu

MSSD namigay ng mga Emergency Go Bags sa 112 community disaster responders at mga barangay disaster response officers sa bayan ng Pandami, Sulu. (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Hulyo,2024)  — Sinimulan ng Ministry of Social Welfare and Development  (MSSD) ang Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP) ang Training para sa Service Providers sa pag handle Gender-based Violence at Trafficking in Persons Cases kabilang ang Helpline Assistance Training sa Tawi-Tawi ngayong araw ng Martes, na ginaganap sa Almari Beach Resort Conference Hall, Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa MSSD, layon ng pagsasanay na  pahusayin ang kakayahan ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa pagtugon sa gender-based violence, child protection, at pagtukoy ng mga palatandaan ng human trafficking, at iba pang aspeto nito para sa epektibong mga tugon.

Dagdag pa ng MSSD na ang mga kalahok ay makakatanggap din ng edukasyon sa pagbuo ng epektibong mga kasanayan sa komunikasyon at pag-access sa mahahalagang network ng suporta at helpline services ng Ministry.

Kabilang sa mga lumahok ay ang Local Government Unit ng Bongao, Social Protection Women’s Sector, International Organization for Migration (IOM), Philippine Coast Guard, Special Operations Unit ng Philippine National Police Maritime Group, Maritime Police Station, at representatives ng Municipal Social Welfare Offices mula sa 11 munisipyo ng Tawi-Tawi.

Samantala, namigay din ang MSSD ng mga Emergency Go Bags sa 112 community disaster responders at mga barangay disaster response officers sa bayan ng Pandami, Sulu. Nakatanggap ang 96 na benepisyaryo ng 4Ps at 16 naman ay mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Officers (BDRRMOs) na ginanap noong ika-12 ng Hulyo.

Ang bawat Emergency Go Bag ay naglalaman ng mahahalagang gamit tulad ng solar lamp, radyo, pito, lubid, collapsible water container, file bag, first aid kit, compress dressing, gauze roll bandage, adhesive bandage, adhesive cloth tape, antiseptic wipes, sterile gauze pads, itch-control ointment, thermometer, non-latex gloves, bandage shear, tweezers, thermal blanket, cotton balls, povidone-iodine, mas maliit na backpack, manual resuscitator, cardiopulmonary resuscitation kit, triangular bandage, bleeding control pouch, tactical medical tourniquet, chest seal, duct tape, permanent marker, rubber boots, at mga raincoats.

Layunin ng pamamahagi na mabigyan ng kinakailangang mga kagamitan at resources ang mga emergency responders ng mga opisyal at boluntaryo ng barangay upang mas epektibong makapag-responde sa panahon ng sakuna at emergency.

Nagsagawa din ng orientation at demonstration ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Pandami sa paggamit ng mga kagamitan na ibinigay.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Ligtas Pamilya Project ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na naglalayong palakasin ang kaalaman at kapasidad ng mga qualified force multipliers, tulad ng mga community leaders at local responders, pati na rin ang mga kabahayan, sa paghahanda at katatagan sa panahon ng sakuna. (Tu Alid Alfonso, Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH Opisyal na Itinatag ang Unang Field Health Office sa SGA BARMM
Next post Rido Settlement sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, Naging Matagumpay